KABANATA 32
"Ang Katotohanan"{Armando}
Disyembre 9, 1946 - Malolos Bulacan
Araw ng lunes .Apat na taon na ang nakakalipas noong huli kaming nag kita ni Rosita ....
Tatlong buwan mula ng ako ay ipinatawag .. ito ang isa sa pinaka masayang araw ko . Dahil espesyal sa akin ang araw na ito.
Nag pasama ako kay tatay Krisostomo.
Sa malolos kami ay nag punta upang makipag kita kay Heneral Perez . Nakabihis sundalo pa ako dahil ako ay muling pararangalan dahil tinuloy tuloy ko ang aking serbisyo bilang sundalo kahit natapos na ang Digmaan .Dito ay naging isang ganap na akong Colonel ..
"Congratulations Colonel Perez , paumanhin sa tatlong buwan mong pag hihintay upang maimbitahan ka sa Bulacan "
Sabi ni Heneral Perez . Sumaludo ito sa akin at sumaludo rin ako sa kanya . Binigyan nya rin ako ng bagong inupormeng pang Colonel at agad ko itong isinuot .Matapos namin mag tungo sa kanilang himpilan ay naisipan naming kumain muna .
"Binabati kita Anak , hindi magtatagal ay makakamptan mo rin ang pangarap mong maging heneral . , bagay na bagay sa iyo ang iyong bagong inuporme , Isa kanang opisyal na Colonel ngayon"
Sabi sa akin ni itay habang nakangiti siya"Salamat ho itay . Saan nyo ho gustong kumain tatay? Ako naman manlilibre sayo"
Tanong ko sa kanya habang kami ay masayang nag tatawanan ."Haha sa wakas at narinig ko rin ang mga salitang iyan sa iyo anak. Mag hanap hanap nalang tayo dito , marami naman makakainan sa malolos."
Sabi ni tatay sa akin .Habang nag hahanap kami ng makakain ay may isang restoran ang umagaw sa akin ng pansin .
"Tatay doon nalamang tayo kumain"
Itinuro ko ang napakalaki at magandang restoran kay tatay at hininto nya ang sasakyan sa tapat nito ."Durungawan... magandang pangalan ng restoran ah . Bago palamang siguro ito , mukhang maganda at masarap ang mga pagkain . Halika at subukan natin anak"
Bumaba na si tatay sa sasakyan at doon kami ay kumain .Pumasok na kami sa Restoran upang mag hapunan .
"Napakasarap ng pagkain dito anak, parang pamilyar sa akin ang mga pagkain nila"
Sabi ni itay habang kami ay kumakain."Oo nga itay . Parang pamilyar rin sa akin ang mga pinili nating pagkain . Saan nga ba kasi natin nakain to?"
Tanong ko sa kanya .
BINABASA MO ANG
Durungawan (Unang Yugto) Completed
Historical FictionSi Rosita ay nag iisang anak lamang , isang anak mayaman labing siyam na taon gulang (19) taga maynila . Ang kanyang ama ay isang Sikat at magaling na abugado, ang kaniya namang ina ay Doktora sa isang malaking ospital sa Pampanga . Habang si Armand...