Chapter 4

129 9 0
                                    



Isang linggo na simula noong nasagot ko ng pabalang si Marj. Umalis ako sa classroom nang mag-break time noong araw na 'yon para magpahangin. Nakahanap ako ng magandang tambayan sa loob ng school kung saan wala masyadong estudyante. Bumalik din ako agad sa classroom nang matapos ang break time pero hindi na bumalik si Marj pati na yung bagong student na si Raniel. Naisip ko na siguro ay may relasyon ang dalawa at nagkaroon ng lover's quarrel kaya galit si Marj sakanya at parang sinusuyo naman siya nung lalake. Nang pumasok sila kinabukasan ay tahimik lang silang pareho. May paminsan-minsang nagpapapansin ang lalake kay Marj pero walang epekto iyon sa seatmate ko. Panay irap, iling, at buntong hininga lang ang isinasagot ni Marj sa lalake. Nasanay na din ako sa Kai na itinatawag ni Raniel kay Marj. Hindi na ulit kami nag-usap ni Marj at ok lang saakin 'yon. Sa isang linggo ko din sa university na 'to ay may mga iilang estudyante na gustong makipagkaibigan saakin. Kinakausap ko din naman sila pero palagi kong ipinaparamdam na ayaw ko makipag-close masyado.

Ngayon ay Monday na ulit. Today is the start of my second week here. Nililigpit ko na ang mga gamit ko dahil lunch break na. Kinuha ko na ang maliit na bag mula sa back pack ko. Nasa loob ng maliit na bag na 'to ang baon ko for lunch. Na-realize ko kasi last week na mas mabuti kung magbabaon nalang ako everyday kaysa makipagsiksikan sa cafeteria sa tuwing lunch break. Mas gusto ko ding kumain doon sa na-discover kong tambayan. Tumayo na ako dala ang maliit na bag at ibinulsa ang cellphone ko. Lalabas na sana ako pero may pumigil sa braso ko. Medyo nagulat ako pero nakabawi din agad. Tiningnan ko ang may-ari ng kamay na nakahawak sa braso ko at nakita ang mapungay na mata ni Marj.

"P-pwede ba akong sumabay sa'yo mag-lunch?" nahihiya niyang tanong bago nag-iwas ng tingin. Naawa naman ako. Isang linggo na din ang nakalipas simula nang insidenteng iyon. Wala na din ang inis ko sakanya kaya okay lang siguro kung isasabay ko siya sa lunch. I cleared my throat at sasagot na sana pero nagsalita ulit siya, "Don't worry, may dala akong baon. Napasin ko kasi last week na nagdadala ka na ng baon kaya.... eto," nahihiyang sabi niya at ipinakita saakin ang isang maliit na bag na malamang ay naglalaman ng baon niya.

"Okay," sabi ko habang tumatango. Ngumiti naman siya at binitawan ang braso ko.

"Can I join you, too?" Napalingon kami pareho sa nagsalita. Yung Raniel pala. Nakakunot ang noo niya at nakahawak ang isang kamay sa batok samantalang nakapameywang naman ang kabila. Ang gwapo niyang tingnan sa stunt na 'yan pero hindi ako nagpakita ng kahit anong expression. Hindi ako sumagot at tumalikod nalang dahil alam ko namang si Marj ang kinakauasp niya.

"No," tanging sagot ni Marj sa lalake. Kinuha niya ang bag ng guitar niya at sinukbit sa balikat bago ako hinila palabas ng classroom. Nagsimula na kaming maglakad at ilang saglit pa ay nakarating na kami sa lugar. Nagtaka ako dahil alam niya kung saan ang naging tambayan ko nitong nakaraang linggo. Parang nabasa niya ang iniisip ko dahil bigla nalang siyang nagsalita, "I was observing you last week kaya alam kong dito ka tumatambay tuwing break time. Hindi mo siguro napapansin dahil masyado kang nage-enjoy sa pagiging loner mo."

Tiningnan ko lang siya at hindi na nagkomento pa. Ngumiti siya saakin bago nilapag ang mga gamit sa table at nagsalita ulit, "Wala masyadong tumatambay dito. Maliban sa medyo malayo ito sa mga buildings at nas dulo ng soccer field ay mas preferred ng mga estudyante sa outdoor lounges ng school or cafeteria dahil malakas ang wi-fi connection doon. Bagay lang ito sa mga taong gusto ng tahimik na lugar. I suppose, you are one of those people."

Tumango ako sa sinabi niya dahil sang-ayon ako doon. Masarap nga naman tumambay dito dahil tahimik at mahangin din dahil sa malalaking puno na nagsisilbing silong sa tatlong set ng benches na may kani-kaniyang tables. Siguro sinadya ito para may masilungan ang mga players pag may practice o laro sila.

Young Heartbeats [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon