"You must be the new student from California, aren't you?" magiliw na tanong ni Mrs. Alonte habang nakatingin doon sa lalakeng nakatayo pa rin sa pinto ng classroom. Pinagmasdan ko ang lahat ng mga kaklase ko. Most of the girsls and gays are giggling and whispering with their seatmates while most of the boys are looking at him like they are trying to figure out if he's a friend or a foe. The common denominator among my classmates' attention given to him is admiration. Well, except for Marj who finally said something that I can understand.
"Tss.. Yabang!" mahinang usal ni Marj kaya napalingon ako sakanya. Nakita kong nakatingin din siya sa may pinto at sigurado akong yung lalake ang tinutukoy niya. Nilipat ko ang tingin ko sa lalakeng nakatayo pa rin sa may pinto hanggang ngayon at nakita ko ang pagngisi niya sa banda ni Marj. Kumunot ang noo ko dahil parang kilala na nila ang isa't isa base sa mga tinginan nila. Kaso ang sabi ni Mrs. Alonte ay siya daw ang transfree na galing pa sa California.
"Yes, ma'am. I am that transferee from California," seryosong sagot ng lalake na kay Mrs. Alonte na nakatingin ngayon.
"Oh, right! Please feel free to choose your desired seat, then introduce yourself here after him," masiglang sabi ng adviser namin sa lalake na ang tinutukoy na matapos magpakilala ay ang kaklase naming nahinto sa pagsasalita kanina dahil dumating siya.
"Thank you, ma'am," magalang na sagot ng lalake. Tuluyan na siyang pumasok at seryosong naglakad para makahanap ng mauupuan. Naibaba ko ang tingin ko nang makitang nakatingin na siya sa banda ng pwesto namin. Naalala ko tuloy na vacant nga pala ang seats sa likod kaninang naghahanap din ako ng mauupuan. Hindi ako umupo doon dahil vacant din naman itong pwestong ito kanina. Tahimik ang lahat maliban sa kaklase naming nagpatuloy sa pagpapakilala sa harap. Tumingin na din ako sakanya para makinig. Sinusundan naman ng tingin ng mga kaklase ko si California guy. May narinig pa nga akong mga bulong na sana sakanila daw tumabi. All whispers came from majority of the girls and gays of the room. Tss! Bulong pero parang nagpaparinig dahil rinig din naman ng lahat. Nanindig ang balahibo ko nang may magsalita mula sa likaran ko.
"Seems like fate is on my side. If you need anything from me, just turn back and I'll give you what you want, Kai" mahinang sabi ng lalake pero dinig na dinig ko pa din dahil kita ko sa gilid ng mga mata ko na yumuko siya para hindi madinig ng iba ang sasabihin niya. Natigilan tuloy ako sa sinabi niya. Ako ba ang kinakausap niya? Pero may binanggit siyang Kai at alam kong pangalan yun. I'm also sure that I'm not Kai. Nilingon ko sya para sana magtanong kung ako ba ang kinakausap niya pero nakita kong nasa gitna namin ni Marj ang ulo niya at nakaharap siya kay Marj.
"Tss..." rinig kong tanging sagot ni Marj. Ibig sabihin si Marj ang kausap niya at hindi ako. Titingin na sana ako sa harap pero para akong naestatwa nang biglang lumingon ang lalake at approximately three inches nalang ang space sa pagitan namin. Napagmasdan ko tuloy ang mukha niya sa malapitan. Sobrang gwapo naman ng lalakeng 'to. Sana lang hindi niya mahalata sa mukha ko na humahanga ako sa hitsura niya. Pinagmasdan ko ang mga labi niya, paakyat sa ilong, hanggang sa marating ko ang mga mata niya. Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko. I saw that he's also staring at me; intensely staring at my eyes, to be exact.
Kung may katangian man akong maipagmamalaki, yun ay ang pagkakaroon ng kakayahan na basahin kung totoo o nagpapanggap lang ang isang tao sa pamamagitan ng mga mata niya. I'm not saying that I have supernatural powers. Hindi ko din sinasabi na nakikita ko ang lahat ng tungkol sa isang tao kapag tinitingnan ko siya sa mga mata. I can only decipher if a person is being real or fake; and if he/she is telling the truth or not. Maybe I just got lucky with my instincts. Maybe I mastered this trait over the years. Sa sobrang tahimik at observer ko sa mga tao sa paligid ko ay natutunan kong kilalanin sila sa tahimik na paraang alam ko, and that is through their eyes. I believe that our eyes can never hide our true self. Our lips can lie but never our eyes. This is the reason why I can't let anyone to be close to me. I can be friends with people but only at a certain level. Never too close.
BINABASA MO ANG
Young Heartbeats [COMPLETED]
Romansa(COMPLETED) "If your love for me is true, you will let me heal the spiteful wound of the past. Kung talagang mahal mo ako, pakakawalan mo ako, Lavin." -Amara Lovelyn Alveriano "I love you so much, Love. If letting you go...