Chapter 11

80 4 0
                                    

Napakurap-kurap ako at tinikom ang bibig. Umayos ako ng tayo at unti-unting ngumiti.

"Yeah, it's been a long time!" nagugulat ko pa ring sagot. Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa harap ko.

Kinapa ko ang sarili ko. Akala ko pag nagkita ulit kami ay magagalit ako sakanya. Akala ko noon hindi ko na siya kakausapin ulit at kalilimutan nalang ang lahat ng pinagsamahan namin dati.

Pero mali ako. Ngayong nandito na siya't nakatayo sa harap ko, gusto ko nalang siyang kamustahin at alamin kung ano ang naging buhay niya nang umalis siya.

It's weird how I don't feel even a bit of resentment for him anymore. I'm just pleased that he's finally back! My best friend is finally back!

"Can I come in?" tanong niya dahil namamangha lang akong nakatitig sakanya.

Nahihiya akong tumango at binuksan ng malaki ang pinto, "Pasensya na. Sige pasok ka."

"Iimbitahan sana kita. Kararating lang namin noong isang araw at may salo-salong hinanda si Papa sa plaza ngayon," sabi niya nang makaupo na siya sa sofa.

Naupo rin ako sa kabilang sofa at nahihiyang tumingin sakanya, "Nabanggit nga sa'kin ni aling Pasita kahapon."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Marahil ay nagtataka kung sino ang tinutukoy ko pero sa huli ay ngumiti nalang siya.

"Kung wala ka namang gagawin, sana makadalo ka. Catching up na din," magaan niyang sabi.

"Sige. Pero susunod nalang ako dahil maliligo at mag-aayos pa ako," medyo awkward kong sagot.

"Okay lang ba kung hintayin nalang kita? Wala din naman akong gaanong kakilala doon maliban sa pamilya kong palagi ko namang kasama," alok niya at tumawa ng mahina.

Ayaw ko na sanang magpahintay sakanya dahil nakakahiya pero nag-insist siya na okay lang daw kaya wala na akong nagawa kundi bilisan nalang ang kilos ko.

Hindi ko maiwasang ma-excite na nagbalik na siya.

Noong mga bata pa kami ay siya na ang palagi kong kasama. Siya ang naging kasangga ko sa lahat ng bagay hanggang sa mag-high school kami.

Kaso nga lang kinailangan nilang umalis ng bansa noong nasa kalagitnaan kami ng JHS para sa pagpapagamot ng mama niya.

Sobra akong nalungkot noong umalis siya kaya hindi na ako muli pang nakipaglapit sa iba. Nagtampo din ako sakanya noon pero naiintindihan ko naman ang rason niya.

Ngayong nagbalik na siya, parang nabawasan ng kaonti ang bigat na nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. Feeling ko dumating na ang kasangga ko. May kakampi na ulit ako dahil nagbalik na ang best friend ko.

"Pasensya na. Natagalan yata ako," nahihiya kong sabi habang nasa kotse niya na kami papunta sa plaza.

Ngumiti siya at umiling, "No problem, Amara. So kumusta na? Ilang taon na ba since we last talked?"

Nilingon ko siya at nakitang nakangiti siya habang nakatutok ang mga mata sa kalsada, "Hmm... 3 years? 4? 5?" sagot ko, "I lost count already. Ang tagal mong nawala!"

Nagtawanan kami at nagpatuloy ang kwentuhan hanggang sa matanaw na namin ang maraming tao na nagkakatuwaan sa plaza.

"Tara. Gusto kang makita ni mama," iginiya niya ako sa mesa kung nasaan ang mga magulang niya.

"Marcus!" tawag ng kanyang papa nang makita siya, "come here, son!"

Nakasunod lang ako sa kanyang likod kaya hindi agad ako makikita.

"Oh! Amara, dear! Is that you? You're a grown up lady now! You're so beautiful, hija!" bati kaagad ng mama ni Marcus nang makalapit na kami sakanila at makita na nila ako.

Young Heartbeats [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon