Chapter 17

53 4 0
                                    



"Oh my God! He's so handsome and hot!" impit na tili ni Kai sa gilid ko. Tinatanaw namin ngayon ang papalapit na Marcus kasama ang kapatid na hindi maalis ang ngiti sa labi. Mas nauna kaming nakarating airport kaya mas nauna kaming mag-check-in.


Natawa ako at nilingon siya. Inagaw agad ni Lavin ang atensyon ko dahil agad niya akong inakbayan at inilapit lalo sakanya.



Nang makalapit ang magkapatid ay agad na ngumisi si Marcus nang magawi saamin ni Lavin ang tingin niya. Umiiral na naman yata ang kabaliwan ng best friend ko.


"Hi Amara! It's nice that you brought Raniel with you!" masiglang bati ni Gale.


Nginitian ko siya at nilingon ang kaibigan kong na-star struck na yata sa unggoy kong best friend.


"Gale, I want you to meet Marj Kylie, a dear friend and Lavin's cousin," pagpapakilala ko sa dalawa. Ngumiti agad si Gale kay Kai at naglahad ng kamay.


"Nice to meet you, Kylie!" nakangiting bati ni Gale, "Mas bet kong tawagin kang Kylie. Is it okay?"


Nakangiting tumango si Kai. Hindi pa man sila nagkakasama ng matagal, pakiramdam ko magkakasundo agad ang dalawang 'to.


"It's okay. Nice to meet you too, Gale," masayang sagot ni Kai. Naagaw ang atensyon naming lahat nang tumikhim ang epal kong best friend.


"I'm Marcus, Amara's best friend. Nice to meet you, Kylie," pormal na pagpapakilala ni Marcus.


"H-hi! Nice to meet you too, M-Marcus," nauutal na tinanggap ni Kai ang kamay ni Marcus.


"Oh! This is new, Kai!" humahalakhak na komento ni Lavin. Mabilis na binitawan ni Kai ang kamay ni Marcus at marahas na nilingon ang pinsan.


"Shut up, assh*le!"


Tumawa lalo ng malakas si Lavin. Siniko ko siya para matigil dahil pulang-pula na ang mukha ni Kai.


Nanguna sina Marcus at Gale sa paglalakad nang makababa na kami ng eroplano. Paglabas namin ng airport ay nakita ko agad ang three musketeers at ang kambal na nag-aabang sa amin.


"Oh my God! You're finally here!" malakas na sigaw ni Cole nang makita kami ni Lavin na nakasunod sa mga pinsan niya.


Niyakap niya ako at binati si Lavin. Ganoon din ang mga kasama niya.


"By the way, this is Kylie, Raniel's cousin and Amara's friend," pagpapakilala ni Marcus kay Kai nang mapansing napako ang tingin ng mga pinsan sa bagong mukha.


"Oh, hi! I'm Cole," magiliw na pagpapakilala ni Cole. Ngumiti at tumango si Kai sakanya.


Young Heartbeats [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon