Chapter 25

70 5 1
                                    

The Final Chapter



"We will wait for your call, Ara. We'll bring Levi on a nearby resort so he won't get bored while waiting," sabi ni Kai nang samahan ako sa tapat ng bahay.

Nandito kami sa harap ng bahay kung saan ko huling nakita si Lavin. Walang pinagbago ang bahay. Lumipas man ang maraming taon ay hindi man lang ito nagmukhang luma. Halatang inalagaan ng mabuti.

"Are you sure, he's inside, Kai?" kabado kong tanong.

Ngumiti siya at tumango, "Yeah. This is the only place he can stay for long."

"Thanks," nginitian ko siya pero sigurado akong nabasa niya ang kaba sa mukha ko.

Nang tuluyan ng umalis ang sasakyan nila ay tumayo ako ng maayos at inayos ang medyo nagusot na damit. Kinakabahan man ay itinuloy ko pa rin ang pagkatok sa pinto.

It took me less than a minute to see the man I have loved and hurt for long, long years. Natulala siya sa mukha ko habang nakaawang ang labi. Nakatitig lang din ako sakanya.

It's been so many years and I can say that he has changed a lot. He is way matured now and still so good looking. I can't believe this man in front of me is a dying person. My heartbeats are getting too loud and wild again. It seems like they are so excited to finally reconnect with their master.

Nahigit ko ang hininga ko nang mabilis na kinain ng hakbang niya ang pagitan namin at walang sabi-sabi akong niyakap. Sobrang higpit ng yakap niya na halos hindi na ako makahinga ng maayos pero hindi ako nagreklamo. Niyakap ko siya pabalik at naging dahilan iyon para yumuko siya at isubsob ang mukha sa gilid ng leeg ko.

Tahimik niya akong niyakap at hindi man lang iyon lumuwang kahit konti. Hindi ko alam kung paanong gumiginhawa ang pakiramdam ko habang yakap-yakap niya ako samantalang mas lumalala ang sakit ng puso ko sa bawat pagpatak ng luha niya sa leeg ko.

"A-Are you really h-here, love?" maya-maya ay tanong niya.

"L-Lavin..." pumatak muli ang luha ko. Sinubukan kong kumalas sa yakap niya para sana matingnan siya pero hindi niya ako pinagbigyan.

"Don't let g-go, please. D-don't ask m-me to let go again, love," basang basa na ang leeg ko dahil sa mga luha niya.

Halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa sakit ng puso ko. Niyakap ko din siya ng mahigpit at hinaplos ng paulit-ulit ang likod niya.

"N-no, Lav. I will not ask you to let go. I-I want to ask you to fight. Fight and live longer, Lav... I'm here to ask you to stay with me."

Naramdaman kong natigilan siya sa sinabi ko. Unti-unti siyang kumalas sa yakap niya sa'kin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Hinagod niya ng tingin ang mukha kong basang basa na rin sa luha. He wiped my tears away using his bare hands.

"I'm here to ask you to live for me... and our son."

Rumehistro sa mukha niya ang sobrang pagkagulat nang marinig ang sinabi ko. Natigil ang kamay niyang nagpupunas sa mukha ko. Biglang naging sunod-sunod ang paghinga niya at agad siyang napahawak sa puso niya. Nataranata agad ako at mabilis siyang dinaluhan.

"Lav, are you okay?" natataranta kong tanong habang iginigiya siya sa loob ng bahay. Nang maiupo ko siya sa sofa ay tatakbo na sana ako sa kusina para ikuha siya ng tubig pero pinigilan niya agad ako.

"I... I'm okay, love," medyo maayos na ang paghinga niya ngayon. Hinila niya ang kamay ko at pinaupo sa tabi niya, "You mentioned about our... s-son?"

Young Heartbeats [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon