Mabuti nalang at dumating si Marcus sa mga sandaling kinukulit na ako ng magpinsan tungkol kay Lavin. Saktong papunta siya sa kusina para sana uminom ng tubig nang mapadaan siya saamin.
Nasulyapan niya ang cellphone ni Gale at inagaw ito sa kapatid para makita ng maayos ang pinagkakaguluhan nila kanina.
"Gale, pasuyo ako ng towel sa taas. Wag mo ng iutos kina manang dahil marami pa silang ginagawa," utos ni Marcus sa kapatid.
Umismid si Gale bago tumalima sa utos ng kapatid, "Magkwento ka mamaya, Amara!"
"Samahan mo na si Gale, Cole. Ikuha mo na din sina Klein," baling ni Marcus kay Cole.
Tiningnan muna ako ni Cole ng makahulugan bago sumunod sa pinsan.
"Do you wanna go home?" tanong kaagad ni Marcus nang kaming dalawa nalang ang naiwan sa sala.
He really knows when to get in the picture. Just like the old times. Pagod akong ngumiti sakanya at tumango.
Hindi ko alam kung paano ko nalusutan sina Gale at Cole na hindi mapigil sa pagtatanong tungkol sa lalakeng nag-comment sa picture namin ni Marcus. Salamat sa malaking tulong ng best friend ko.
Natapos ang araw na pagod ang katawan at isip ko. Lavin gets into my system a lot more persistent than the previous days and weeks.
"Ang aga mo namang bumisita! Nakakaabala ka na, aba!" pambungad ko sa best friend kong nakangisi habang pumapasok sa loob ng bahay.
"Oh come on, Amara! You'll miss me when you return to Manila," nakangisi pa din niyang sagot.
"Oh well, Marcus! Sanay na ako," tumatawa kong sumbat sakanya.
Pumasok kami sa kusina at sabay naming inayos agahan namin. Nang matapos kumain at magligpit ay dumiretso kami sa garden para doon tumambay at ituloy ang pagkakape. Well, hot choco sa'kin samantalang kape sakanya.
"Halatang wala kang magawa sa buhay mo. Dito ka nang-iistorbo, kay aga-aga!" puna ko ulit sa maaga niyang pagbisita. Humalakhak siya bago nilapag sa mesa ang kapeng iniinom.
"Let's just say, my best friend needs me but she refuses to open up so I'm here to...." he trailed off, "force her?" natawa ako ng mahina sa idinugtong niya.
Medyo natagalan pa ang pangungulit ni Marcus sa'kin para ikwento ko sakanya ang lahat tungkol kay Lavin. Nang matapos akong magkwento ay tahimik lang siya.
Bigla niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa at kinalikot ito. Nang matapos ay pinakita niya sa'kin ang picture namin kung nasaan ang maraming comments ni Lavin.
May mga bagong comments galing sakanya pero iniwasan kong basahin ang mga 'yon. Ayaw kong magulo ulit ang isip ko.
"He called me a boy, wtf!" humalakhak siya, "I'll let it pass though. I understand where he's coming from."
Tiningnan ko siya ng masama dahil nakakarindi ang malakas niyang tawa.
"Sorry. Natatawa talaga ako," tumatawa pa rin siya, "He's jealous as f*ck! If only he knew he's being jealous with the wrong man!"
Ngumuso ako para pigilan ang ngiti, "Wrong boy, you mean?"
Di ko na napigilan ang halakhak nang makita na unti-unting natigil ang pagtawa niya.
"Boy is for kids, Amara! I'm a grown up handsome man!" depensa niya sa sarili. Sa huli ay tawa na ako ng tawa at ganun din siya.
Natigil ako sa pagtawa at nahigit ang hininga nang makita kung sino ang nakatayo sa labas ng gate at nakatanaw sa'min. Hindi masyadong malayo ang kinauupuan namin ni Marcus sa gate kaya siguradong dinig ang mga tawa namin doon. Kita din kami dito mula sa labas.
BINABASA MO ANG
Young Heartbeats [COMPLETED]
Romance(COMPLETED) "If your love for me is true, you will let me heal the spiteful wound of the past. Kung talagang mahal mo ako, pakakawalan mo ako, Lavin." -Amara Lovelyn Alveriano "I love you so much, Love. If letting you go...