Chapter 1

228 12 1
                                    



"Amara gusto ko sanang sumama ka sa'kin sa pagbalik kong ng Manila. Hindi ako mapapanatag na mag-isa ka lang dito," pambungad sa'kin ni tita Lisa nang pasukin niya ako sa kwarto. Nakatitig lang ako sa papalubog na araw mula sa bintana dito sa kwarto ko. I wonder how calming it is to stare at the sunset when it indicates an end of something. I wonder how beautiful this sunset could be even if it means darkness will take place after a short while.


"Anak alam kong nasasaktan ka sa pagkawala ni nanay dahil ganoon din ang nararamdaman ko ngayon. Pero sana isipin mong nandito pa ako. Hindi ka nag-iisa, 'nak. Kahit wala na si kuya at ang mama mo, magulang mo pa din ako. Wag mo sanang kakalimutan 'yan," pagpapatuloy ni tita nang hindi ako sumagot sa una niyang pahayag. Hindi ko namalayang nakaupo na pala siya sa tabi ko.


Ngumiti ako ng mapait bago siya nilingon. "Alam ko po 'yon tita. Pasensya na po kayo kung masyado akong emosyonal. Kailangan ko lang po siguro ng oras para magluksa. Magiging maayos din po ako."


"Naiintindihan kita 'nak pero gusto kong malaman kung ano na ang plano mo ngayon?" malungkot na tanong ni tita.


"Hindi ko po alam pero hindi ko pa po kayang lisanin ang bahay na 'to, tita. Wag po kayong magalala, kaya ko naman po ang sarili ko." naniniguro kong sagot sakanya.


"Sige, kung 'yan talaga ang gusto mo. Pero sana pag-isipan mo ang sinabi ko kanina. Gusto kong doon ka nalang sa Manila kasama ko. Hindi ako mapapanatag na ikaw lang mag-isa dito," sabi ni tita habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.


"Opo tita. Wag na po kayong magalala," sagot ko sa matatag na tinig.


"Gustuhin ko mang manatili pa dito para may makasama ka pero kailangan ko na din bumalik ng Manila bukas. Tapos na kasi ang leave ko at kailangan ko ng bumalik agad sa trabaho. Tatawagan nalang kita palagi para updated pa rin ako sa mga nangyayari sa'yo dito," mahihimigan ang lungkot sa boses na sabi ni tita.


"Naiintindihan ko po tita. Mag-iingat po kayo doon," ngumiti ako para tiyakin sakanya na ayos lang ako.


Days passed and I busied myself by taking care of the small garden of my lola in the morning and reading book or playing my guitar in the afternoon. I jailed myself inside our house for few days now and it's weird how I never got bored of this solitude. Maybe because I don't feel the absence of my lola when I'm here; doing the usual things that we do together when she was still alive.


Nasa garden ako at nagbabasa ako ng libro nang makatanggap ako ng tawag mula kay tita Lisa. Kinakamusta niya ako at pinaalala saakin na malapit na ang pasukan. Tinatanong din niya ang desisyon ko kung saan ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko.


"Hindi ko pa po alam tita. Pwede po bang pag-isipan ko muna?" tanging naisagot ko sa araw-araw niyang itinatanong saakin. Buntong hininga lang ang naging sagot niya bago nangamusta ulit at sinigurong ayos lang talaga ako dito.


Dumaan pa ang mga araw at hindi ko namalayang nangangalahati na ang Mayo. Sa susunod na buwan ay pasukan na. Masakit pa din sa loob ko ang pagkawala ni lola pero na-realize ko na hindi sya matutuwa kung nakikita niya ang nangyayari saakin ngayon. Isang buwan na rin simula nang iwan niya ako pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako nasasanay na wala siya.


Nasa kwarto ako ngayon at nakatingala sa nagkalat na mga butuin sa langit mula sa aking bintana. Sinusubukan kong pagaanin ang damdamin ko sa pamamagitan ng pagkanta kasabay ng pagtugtog ng gitara.


Totoo ba yung sinasabi nila na pag namatay ang mga tao ay nagiging bituin sila? Hindi ako naniniwala doon pero parang gusto kong paniwalaan yun ngayon. Kahit maging bituin ka nalang basta nakikita pa rin kita, makukuntento na po ako lola.


"Lola, isa ka ba sa mga bituin na pinagmamsdan ko ngayon? Gabayan nyo po sana ako palagi. Hindi ko po alam kung paano ko ipagpapatuloy ang buhay ko ngayong wala ka na," bulong ko habang nag-uunahan sa pag-agos ang mga luha.


Natulog akong mabigat ang dibdib kaya hindi ako makapaniwala na sobrang gaan ng pakiramdam ko nang magising ako kinabukasan. Bukas pa din ang bintana ng kwarto ko kaya diretso sa loob ang sinag ng araw. Nakatulugan ko na pala ang pag-iisip kagabi.


Habang nilalasap ko ang init mula sa haring araw ay biglang may sumagi sa isip ko. This is a perfect example that darkness is just temporary and light will take over after some time. We just have to endure and wait because nothing is permanent. With this realization, I made up my mind.


"Nakapagdesisyon na po ako tita. Diyan ko na po ipagpapatuloy ang pag-aaral ko sa Manila," nakapikit kong sagot sa paulit-ulit na itinatanong saakin ni tita, isang gabi nang tumawag siya.


"Salamat anak at 'yan ang naging desisyon mo! Susunduin kita dyan bukas para makapag-enroll ka na agad sa Lunes. Buti nalang at linggo bukas kaya wala akong trabaho," mahihimigan ang saya sa boses niya nang sabihin 'yan. Pumikit ako at ngumiti. Alam kong magiging mahirap pero kakayanin ko.


Maaga akong nagising kinabukasan para ayusin ang mga gamit ko. Nakapag-impake na ako kagabi pero kailangan kong siguruhin na wala akong maiiwan dahil malayo ang Manila dito. Ilang oras ang biyahe at ayaw kong makaabala pa kay tita. Pagkatapos kong masigurong okay na ang mga gamit na dadalhin ko sa Manila ay nilinis ko muna ang buong bahay, diniligan ang mga halaman sa garden at sinigurong malinis at maayos ito bago ako naligo. Pagkatapos maligo ay nag-ayos na ako at naghintay sa pagdating ni tita Lisa. Ayaw man ng puso ko pero sinasabi ng isip kong kailangan ko ng lisanin ang bahay na 'to para ipagpatuloy ang buhay kahit wala na si lola.


Makaraan ang ilang sandali ay nasa labas na ako ng bahay samantalang kinakandado naman ni tita ang gate. Naipasok na sa kotse niya ang mga gamit ko pero nanatili pa rin ako sa labas habang nakatingin sa iiwanang bahay. Simple lang ang bahay namin. Gawa ito sa matibay kahoy na may dalawang palapag. Nasa unang palapag ang sala, kusina, C.R., at may isang kwarto kung saan nananatili si lola noon dahil nahihirapan na siyang umakyat sa hagdan. Sa ikalawang palapag naman ay may tatlong kwarto, isang C.R., at maliit na veranda. May maliit na garden din si lola na alagang alaga niya noong nabubuhay pa sya.


"Tara na anak. Mahaba pa ang biyahe. Mag-stop over nalang tayo sa daan para makapag-almusal," sabi ni tita nang makaharap na sya saakin. Tiningnan ko ang bahay namin sa huling pagkakataon bago ako pikit-matang tumalikod at huminga ng malalim. Masakit at mahirap pero kailangan ko 'tong gawin dahil alam kong ito din ang gusto ni lola para saakin.


"Mahal na mahal kita lola. Gabayan nyo po ako palagi," piping usal ko bago sumakay sa kotse at tuluyan nang nilisan ang lugar kung saan ako namulat at nagkaisip.


Kasabay ng pag-andar ng kotse ay ang pagtanggap ko sa katotohanang kailangan kong harapin ang panibagong yugto ng buhay na hindi na kasama ang taong pinakamamahal ko.

Young Heartbeats [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon