Pumasok si Mr. Zalmientes kahit hindi ko pa siya inaanyayahan. Sumunod sakanya si tita at parehas silang naupo sa sofa. Naiwan ang mga bodyguards ni Mr. Zalmientes sa labas.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, hija," basag ni Mr. Zalmientes sa katahimikan, "Itigil niyo na ng anak ko ang kahibangang ito."
Hindi ako nakapagsalita. Nakatayo pa rin sa gilid ng katapat nilang sofa. Tiningnan ko si tita na hindi maitago ang takot sa mukha. Ibinalik ko ang tingin ko kay Mr. Zalmientes nang muli siyang magsalita.
"Hindi kayo pwede dahil kapag ipinilit niyo ay mabubuksan lang ang sugat na hindi pa tuluyang naghihilom."
"Sebastian!" may pagbabanta sa tinig ni tita. Nagulat ako dahil sa tono na ginamit ni tita sa boss niya. Hindi iyon akma sa relasyong meron silang dalawa.
Nagwawala na ang puso ko sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay malalaman ko na ang anumang itinatago ni tita.
Liningon siya ni Mr. Zalmientes, "She needs to know everything, Lisa! If you can't tell her, then I will do it for you!"
"What is it, sir?" matapang kong tanong nang hindi na makayanan.
"Seb, please..." umiiyak na si tita. Bumuntong hininga si Mr. Zalmientes at tiningnan ako.
"Alright, I'll give you the benefit of the doubt, hija. Just leave my son and save yourself from the pain of our nightmare."
"I won't leave your son. There is no good reason for me to do that," matatag kong sagot.
"Will you leave him if I give you one good reason, then?" seryoso niyang tanong. Kumalabog ang puso ko pero mas nanaig ang tiwala ko sa pagmamahalan namin ni Lavin.
"I doubt it,"hamon ko sakanya.
"My late wife... Raniel's mom... killed both your parents before she committed suicide. All because of her love for your father!" dumagundong ang boses niya sa buong kabahayan pero mas malakas ang pintig ng puso ko.
Kung alam ko lang... kung alam ko lang na sila ang kumatok sa pinto, sana hindi ko nalang binuksan. Kung alam ko lang na ganito ang magiging kapalit ng mga sandaling sobra-sobra ang saya ko, sana pinigilan ko nalang ang sarili kong sumaya ng labis. Kung alam ko lang na sa sandaling bukasan ko ang pinto ay bubukas din ang masalimout na nakaraan, sana hinintay ko nalang ang pagdating ni Lavin at hayaan siyang kusang buksan ang pinto.
Pero hindi ko alam... at isara ko man ulit ngayon ang pinto, hindi na maghihilom ang sugat na natamo ko dahil sa mga nalaman at malalaman ko pa sa araw na ito.
"T-tama na! Tumigil ka na!" sigaw ni tita kay Mr. Zalmientes.
Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko. Unti-unti akong napaupo dahil sa panghihina. Agad na dumalo saakin si tita pero mabilis ko siyang itinulak. Bumubuhos na ang luha niya.
BINABASA MO ANG
Young Heartbeats [COMPLETED]
Romance(COMPLETED) "If your love for me is true, you will let me heal the spiteful wound of the past. Kung talagang mahal mo ako, pakakawalan mo ako, Lavin." -Amara Lovelyn Alveriano "I love you so much, Love. If letting you go...