Chapter 7

111 6 0
                                    



Hindi ako nakatulog agad ng gabing iyon. Inihatid ako ni Raniel sa bahay pagkatapos naming mag-dinner gamit ang kotse niya. Sinabi niyang ayaw niyang mamutla ulit ako kagaya ng nangyari kaninang isinakay niya ako sa motor.


Hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi ni Raniel. Malinaw na malinaw pa din saakin ang tagpong 'yon.


"First, I don't have a girlfriend.

Second, it's true that there's something special going on between me and Kai but not because of what you think, ok? We are related by blood and that's what makes it special.

Lastly, I care for you not just because you are my cousin's friend but because you are Amara Lovelyn Alveriano – my classmate and my friend... starting today. I did what I did earlier not just because you are Kai's friend but because you are someone special."


Umaga ng lunes ay naabutan kong seryosong nag-uusap sina Raniel at Wilfred sa labas ng classroom. Late akong dumating dahil late na din akong nagising. Madaling araw na din kasi ako ako nakatulog dahil sa sobrang pag-iisip. Wala pa ang first period teacher namin kaya walang sumasaway sakanila.


Nang malapit na ako sa pinto ay saktong napatingin saakin si Raniel. Hindi ko siya pinansin at diretsong naglakad papasok sa classroom.


Natapos ang araw na hindi ko pinapansin si Raniel pero madalas ko siyang mahuli na nakatingin sa akin. Si Sabrina at ang mga kaibigan niya naman ay pasimpleng umiirap saakin sa tuwing nasasalubong ko ang mga mata nila. Si Stephen naman ay halatang umiiwas at halos hindi makatingin saakin.


"Sigurado kang ayaw mo magpahatid sa inyo?" tanong ulit ni Marj nang dumating na ang sundo niya.


"Hindi na. Out of way ang amin sa bahay niyo," sagot ko.


"Okay lang naman, Ara. May kotse nam--"


Hindi ko na pinatapos si Marj dahil itinulak ko na siya ng marahan papunta sa kotse nila. Ako na din mismo ang nagbukas ng pinto para sakanya at tinulak siya papasok.


"I'm okay. Don't worry about me," sabi ko at ngumiti bago isinara ang pinto ng kotse. Kumaway ako nang umandar na ito palayo.


"Amara," napalingon agad ako nang may tumawag saakin mula saaking likuran. Nagulat ako nang makita ang tumawag pero nakabawi din agad.


"S-stephen..." pinilit kong magmukhang composed.


"About the last time... I was so insensitive that I didn't notice I was making you uncomfortable already. I'm sorry Amara," nagkakamot sa batok niyang sabi. Tiningnan ko siya sa mata and nakita kong sincere naman siya sa paghingi niya ng paumanhin.


"It's okay Stephe--" naputol ang sasabihin ko nang maramdaman kong may dumantay na kamay sa kanang balikat ko. Sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko nang makita kung sino ang umakbay saakin. Raniel is looking intently at Stephen. He's like an eagle eyeing his prey.

Young Heartbeats [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon