Pansamantala kong winaglit sa isipan ko ang napag-usapan namin ni tita tungkol sa mamanahin ko. Gusto kong unahin muna ang pagtatapos sa SHS ko dahil paniguradong mabigat na panibagong yugto ng buhay ko ang pagtanggap sa pamana ni lolo.Sumapit ang gabi ng Christmas Ball. Dumating si Lavin upang sunduin ako. Walang sinasabi si tita pero bakas sa mga mata niya ang pag-ayaw sa presensya ni Lavin. Lalo pa't alam niya na ito ang date ko sa gabing ito.
The theme of the Christmas Ball is 'Night of Royalties'. I'm dressed as a typical princess while Lavin is my dashing knight.
"Mag-iingat kayo. Be home safe, ok?" paalala ni tita bago kami tuluyang sumakay sa kontse ni Lavin.
"You're stunning, my princess," sambit ni Lavin nang pareho na kaming nakasakay sa kotse niya.
"And you're my dashing knight," nakangiti kong puri sakanya. Humalakhak siya at nagsimula ng mag-drive papunta sa hotel kung saan gaganapin ang Ball.
"I'm sure a lot of men will ask you to dance tonight," napalingon ako sakanya dahil sa sinabi niya.
"And many girls will flock to you too," tumatawa kong balik sakanya.
"Nah. I'll be busy guarding my princess so they'll stand no chance," seryoso niyang sagot. Natawa ako roon at napailing nalang.
"Does that mean, I can't dance with other men because my knight will guard me tightly tonight?" nakangisi kong tanong.
Nilingon niya ako saglit bago sumagot, "There's nothing I can do if my princess wants to dance. I'll be her shadow in the dark."
Di ko maitago ang tamis ng ngiti ko dahil sa sinabi niya.
"Well, no need to hide in the dark. I'm sure the princess wants to dance only with her knight tonight."
"Damn! You're giving me mini heart attack, Love," mahina ngunit mariin niyang sabi. Sa huli ay napuno ang sasakyan niya ng tawanan. Puro kami tawa hanggang sa makarating na kami sa venue.
All eyes were glued to us the moment we stepped on the red carpet. May kumukuha ng pictures saamin habang naglalakad papasok sa hall.
"You look perfect together!" tili agad ni Kai nang makalapit siya saamin. Nasa likod niya si Wilfred dahil inaya siya nito last week para maging date sa event na 'to. Pumayag naman si Kai dahil ayaw daw niyang ma-OP sa'min ng pinsan niya.
"Of course!" mayabang na sagot ni Lavin sa pinsan. Inirapan siya ni Kai at mabilis akong niyakap.
Maya-maya pa ay nagsimula na ang party. May mga pakulo sila na sobrang ikinatuwa namin. May mga dedications na binasa. Mayroon ding mga pinagbigyan na pumunta sa stage at kumanta para sa lahat.
Nang mag-start ang sayawan ay may mga lumapit sakin para makipagsayaw pero magalang ko silang tinanggihan. Hindi naman maitago ni Lavin ang ngiti niya sa tuwing umaayaw ako sa mga nag-aaya.
Natatawa naman ako sa tuwing may babaeng magtatangkang lumapit sakanya dahil sa tuwing palapit na sila ay biglang hahawakan ni Lavin ang kamay ko o kaya'y kakapit siya saakin at magkukunwaring kinakausap ako ng seryoso.
"You're so mean," natatawa kong saway sakanya nang tumalikod na ang babaeng lalapitan sana siya.
"What?" painosente niyang tanong.
Inirapan ko siya, "Don't play dumb, Zalmientes. You're breaking your girls' hearts!"
"You're my only girl, Love... and I will never break your heart," malambing niyang sabi at mas lalong inilapit ang upuan saakin kasabay ng pagpatong ng braso niya sa sandalan ng upuan ko.
BINABASA MO ANG
Young Heartbeats [COMPLETED]
Romance(COMPLETED) "If your love for me is true, you will let me heal the spiteful wound of the past. Kung talagang mahal mo ako, pakakawalan mo ako, Lavin." -Amara Lovelyn Alveriano "I love you so much, Love. If letting you go...