"You should go now. Gagabihin ka na sa daan," sabi ko pagkatapos kong matantong sa bandang huli, talo pa rin ako.
"I'll stay in a nearby hotel," sagot niya na hindi pa din natitinag sa kinauupuan.
"Umuwi ka na," matigas kong utos.
"Love, I can't go home. You know what happened between me and my dad," malambing niyang tugon.
"Umuwi ka na at mag-sorry ka sa dad mo," utos ko ulit.
"No way! Not after he cut all my cards that left me broke!" umiiling at nakakunot-noo na siya.
"The more reason you need to go home. Wag kang makipagtaasan ng pride sa daddy mo. Hindi mo pa kaya ang sarili mo," pagpapaintindi ko sakanya.
Nag-iwas siya ng tingin, "Alright, I'll go home pero saka na kapag uuwi ka na. Let me stay near you, please."
Bumuntong hininga ako at tumayo na, "Bahala ka nga! Ang kulit!"
Iniwan ko siya sa garden at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay. Bahala siya! Hindi na siya bata at kaya niya na ang sarili niya. Hindi ko alam kung anong oras umalis si Lavin sa hapong iyon.
Kinabukasan ay ginawa ko ulit and daily routine ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagwawalis sa sala nang may marinig akong ingay sa labas. Dali-dali akong lumabas at napakunot-noo nang makita kung kanino nanggagaling ang ingay.
"I should be the one asking that!" iritadong sigaw ni Lavin sa kausap. Humakbang na ako palapit sa gate para pigilan sila. Di pa din nila ako nakikita at nagpatuloy lang sa pag-iingay.
"I always visit her. I'm also living near the area. Eh ikaw, hindi ka naman yata taga-rito? Kaya ko tinatanong kung ano'ng ginagawa mo dito," sagot ng damuhong si Marcus. Hindi ko man nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangisi na naman siya't nang-aasar.
Binilisan ko na ang lakad ko para matigil na sila pero di pa din nagpaawat ng sagot si Lavin, "I'm here to bring her back home, so back off dude."
"Is that so? But she's already home. Baguio is our home," hindi nakatakas sa pandinig ko ang mapang-asar na halakhak ni Marcus.
Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa. Sabay silang napatingin sa gawi ko. Umayos ng tayo si Lavin samantalang hindi pa rin naaalis ang nakakainis na ngisi sa mukha ni Marcus.
"Good morning, Love!"
"Good morning, Amara!"
Magkasabay pa silang bumati. Inirapan ko sila at humalukipkip habang tinatanaw ko sila mula sa loob ng gate.
"Ang aga niyo naman yatang mambulabog? Bakit kayo nandito?" tinaasan ko silang dalawa ng kilay.
Tumawa ng mahina si Marcus at nagkibit-balikat, "I always visit you in the morning. Hindi ka pa rin nasasanay?"
Inirapan ko siya at sumulyap kay Lavin na kunot-noong bumaling sa nakakainis na Marcus.
"At ikaw, bakit nandito ka pa?" tanong ko sakanya.
"I told you I'm not going home yet. I'll wait for you so we can go together."
Humalakhak ulit si Marcus kaya naagaw niya ang atensyon namin. Umiling siya at humina na ang tawa, "Open the gate, Amara. Hindi pa ako kumakain. I'm sure your admirer wants to get inside, too."
"I'm not just her admirer," naiiritang sagot ni Lavin.
"Oh! What are you, then?" nang-iinis na tanong ng walanghiya kong best friend. Palipat-lipat lang ang tingin ko sakanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Young Heartbeats [COMPLETED]
Romantizm(COMPLETED) "If your love for me is true, you will let me heal the spiteful wound of the past. Kung talagang mahal mo ako, pakakawalan mo ako, Lavin." -Amara Lovelyn Alveriano "I love you so much, Love. If letting you go...