"Good morning, Love!" masayang bati sa'kin ng topless na Lavin pagpasok ko sa kusina. May kung ano siyang niluluto sa kalan.
Dumiretso ako sa ref at kumuha ng tubig na maiinom. "Good morning!"
"Ang sarap ng tulog ko. I also had a wonderful dream," nakangiti niyang sabi nang maupo ako at nangalumbabang pinapanood siyang nagluluto.
"Halata nga," paos kong komento, "Ano naman ang panaginip mo?"
Humalakhak siya at talagang pumunta pa sa harap ko, "I dreamt that we're already married and we have beautiful daughter who looks just like you."
Napaupo ako ng tuwid dahil sa sinabi niya kaya mas lalo siyang natawa. Hindi ko na dinugtungan ang sinabi niya dahil ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko.
Maingay sa Lavin habang kumakain kami. Panay ang kwento niya tungkol sa panginip niya pero tango lang ang isinasagot ko dahil nao-awkward ako sa topic namin.
"I can't wait to see that day, Love. You and I, with our children," nabilaukan ako sa sinabi niya kaya agad niya akong dinaluhan. Inabutan niya ako ng tubig at agaran ko yung ininom.
Hinaplos niya ang likod ko habang umuubo ako pero pinalis ko ang kamay niya.
"Bumalik ka na sa pwesto mo. Kumain ka nalang, pwede?" suhestiyon ko nang makabawi na.
Humalakhak siya at bumalik na sa upuan niya. Mabuti naman at tumahimik na siya pero yung ngiti niyang nakakaloko ay hindi pa rin mabura-bura sa mukha niya.
Nang matapos kaming kumain ay tinulungan niya ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin at paglilinis ng bahay.
"So we'll go home tomorrow?" biglang tanong ni Lavin matapos kong banggitin na kailangan na din naming umuwi para maasikaso ang pagpasok namin sa school.
"Yes. Ano nga pala ang mangyayari sa'yo? You were gone for long so you're not able to take the exams," baling ko sakanya habang nag-iimpake.
"Nah. I already settled that before I went here. I want us to graduate together so..."
Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya pero din na ako nagkomento pa. Sabagay, tita niya ang may-ari ng school. Malamang may alternatives sila para sa case niya.
Kinuha na din ni Lavin ang mga gamit niya sa hotel na tinutuluyan at nag-checkout na. Nag-suggest ako sakanya na dito nalang ulit matulog ngayong gabi dahil mas convenient 'yon para sa pag-alis namin bukas.
Nag-upload si Lavin ng sandamakmak na pictures namin sa social media accounts niya. Hiniram pa niya ang cellphone ko at siya na mismo ang nagpalit ng profile picture ko sa fb at insta.
Nagpalit din siya ng profile picture sa fb at talagang minention pa ako. Yung picture namin sa Mine's View Park na nakayakap siya saakin mula sa likod ang ginawa niyang profile picture sa facebook. Yung selfie naman namin sa Camp John Hay ang pinalit niyang profile picture sa insta account niya.
Ang daming comment ni Kai sa mga pictures namin at puro siya rants na madaya daw kami dahil hindi siya kasama. Tinawanan lang namin siya ni Lavin at pinangakuang ipapasyal namin siya dito next time.
Marj Kylie Arcebio:
Siguraduhin nyo lang! Ang daya nyong dalawa!
Makalipas ang ilang oras ay handa na kami ni Lavin para sa dinner kina Marcus. Tumawag pa ang best friend ko at nag-offer na susunduin kami pero nagsabi ako na kaya na namin at may kotse naman si Lavin. Ako na ang bahalang magturo kung paano ang papunta sakanila.
BINABASA MO ANG
Young Heartbeats [COMPLETED]
Storie d'amore(COMPLETED) "If your love for me is true, you will let me heal the spiteful wound of the past. Kung talagang mahal mo ako, pakakawalan mo ako, Lavin." -Amara Lovelyn Alveriano "I love you so much, Love. If letting you go...