Chapter 18

61 4 1
                                    



Naging sobrang saya ko sa bakasyon namin sa Cebu. Lumagpas ng isang linggo ang stay namin doon dahil nagtagal pa kami sa bahay nina Cole ng three days para maglibot sa mismong siyudad ng Cebu.


Sa kanya-kanyang bahay kami nag-celebrate ng New Year. Gusto sana ni Lavin na sabay naming e-celebrate ang bagong taon pero nagdesisyon si tita na umuwi kami sa Baguio at doon namin palipasin ang unang araw ng bagong taon dahil 'yon naman talaga ang nakagawian namin.


Alam kong gustong sumama ni Lavin pero nagpigil lang siya dahil unti-unti na din niyang nararamdaman na ayaw ni tita sa relasyon naming dalawa.


"Off campus work immersion nyo na nitong January. Malapit na din ang birthday mo," sabi ni tita habang nagmamaneho. Pabalik na kami sa Manila at may pasok na sa makalawa.


"Opo tita," sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana.


Masama ang loob ko sakanya dahil naaawa ako kay Lavin. Hindi man niya sinasabi ng diretso ang pagkadisgusto niya para rito ay halata naman sa mga kilos at klase ng tingin niya.


"May problema ba, Amara? Napansin kong nag-iba ang pakikitungo mo sa'kin nitong mga nakaraang araw," sa wakas ay napansin din niya ang laming ng tungo ko sakanya.


Hindi pa rin ako umimik at nagpatuloy lang sa pagtanaw sa mabilis na pagkawala ng bawat tanawing daanan namin.


"Nagtatampo ka sa'kin," hindi 'yon tanong. Alam niya masama ang loob ko sakanya.


Hindi pa rin ako sumagot kaya bumuntong hininga nalang sila. Hindi na rin siya nagsalita ulit kaya naging tahimik ang byahe namin hanggang sa makarating kami sa bahay.


Lumipas ang dalawang araw at may pasok na ulit. Hinanda muna kami sa school at ibinigay ang schedule kung kailan magsisimula ang off campus namin. Nang dumating na ang araw na lalabas na kami ng school for the off campus work immersion, halos lahat kami ay excited.


Napag-usapan naming tatlo nina Kai at Lavin na seseryosohin namin ang work immersion. Busy kami sa kompanya nina Lavin at lahat kami ay may ginagawa. Pag-eencode at paga-arrange ng files ang madalas ipagawa saamin. Sa tuwing may pagkakataon ay salitan kaming isinasama sa meeting para raw makita at ma-experience namin ang pag-attend sa mga meetings.


Dumating ang araw ng Sabado kung kailan natapat ang birthday ko. Late na akong nagising. Naligo muna ako at nag-ayos bago bumaba para mag-almusal. Paniguradong nakaalis na si tita dahil may pasok naman siya kahit Sabado.


Humihikab pa ako habang bumababa sa hagdan pero naputol sa ere yung paghikab ko dahil napatalon ako sa gulat nang sabay-sabay na sumigaw ang mga taong nanonood sa pagbaba ko.


"HAPPY BIRTHDAY AMARA!!!" nagulat ako sa dami nila at hindi ko inaasahan na may ganitong sorpresa sila para saakin.


"Happy birthday anak!" nakangiting bati saakin ni tita nang tuluyan na akong makababa at niyakap ako.

Young Heartbeats [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon