"Kai, hindi ba ulit siya papasok?" tanong ko habang nilalaro ng tinidor ang gulay sa lunchbox ko. Wala akong gana pero kailangan kong kumain kahit konti.
"I don't know, Ara. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Hindi din siya nagrereply sa mga text ko," malungkot na sagot ni Kai.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko maitago ang lungkot at pag-aalala sa mukha ko. Ang huling pagkikita namin ay noong Lunes na hinatid niya ako sa bahay. Masaya pa kami noon bago siya umuwi.
Nagyaya pa siya sa'kin na subukan daw namin ang lahat ng booths na nakahanda para sa foundation week. Papasok din daw kami sa marriage booth. Naaalala ko pang sobrang kinulit niya ako para lang pumayag ako sa mga gusto niyang gawin namin sa foundation week.
Huwebes na ngayon. Bukas na ang last day ng foundation week. Si Kai lang ang tanging kasama ko sa loob ng campus. Masaya ako na nandito siya pero hindi nababawasan noon ang lungkot at pagaaalala ko para kay Lavin.
"Alam mo ba kung ano'ng nangyari?" tanong ko kay Kai.
"Wala ako sa posisyon para magsabi sa'yo, Ara. Lalo na dahil ako man ay naguguluhan din," halata sa boses niya na nagaalala din siya para sa pinsan.
Hindi ako kumibo at pilit pinipigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Sobrang nagaalala na talaga ako. Bakit bigla nalang siyang hindi nagpapakita? Hindi nagpaparamdam?
"Nag-usap si mommy at Rain noong Lunes ng gabi habang nagdi-dinner kami. Umalis kasi ako sa hapag dahil tumawag ang pinsan kong nasa ibang bansa kaya hindi ko masyadong alam ang naging usapan nila. Although may kaonti akong narinig, hindi ko pa din maintindihan," bumuntong hininga si Kai.
Hinihintay niya sigurong magsalita ako pero wala akong balak ibuka ang bibig ko. Maiiyak lang ako, for sure. Nang hindi ako magsalita ay nagpatuloy siya.
"Medyo natagalan din ako sa phone dahil importante ang pinag-uusapan namin ng pinsan ko. Nang bumalik ako sa dining area, nakatayo na si Rain. Mataas na ang boses niya at umiiyak na din si mama. Ang tanging naintindihan ko lang ay galit na galit si Rain, lalo na kay tito, sa daddy niya," humarap ng maayos sa'kin si Kai at hinawakan ang isang kamay kong nakapatong sa mesa.
"I'm sorry, Ara. That asshole should've at least contacted you! Kahit ikaw nalang sana," litanya ng kaibigan ko. Hindi ko makuhang ngumiti kaya nagbaba nalang ako ng tingin.
"Susundan ko sana siya nang mag-walkout siya pero pinigilan ako ni dad. Rain needs time to think, he said. Sinubakan kong tanungin ang mga magulang ko kung ano ang nangyayari pero sinabihan lang nila ako na wag akong makialam," patuloy ni Kai.
"Galit siya na umalis sainyo noong gabing yun. Safe kaya siya, Kai?" hindi ko na napigilang magtanong.
"Don't worry he's safe. Pinasundan siya ni dad sa mga tauhan niya. Nasabi na din ni mom na nakapag-usap na si Rain at si tito noong mismong gabing 'yon... although–" napaangat ang tingin ko kay Kai nang mapansing nag-alinlangan siyang dugtungan ang sinasabi niya.
"What is it?" tanong ko nang hindi pa rin siya magsalita.
"I think you don't need to know the whole thing. Mag-aalala ka lang lalo. But don't worry. Rain is being followed by his dad's men. Tito makes sure that he's safe."
"Please... Kai, please tell me everything about him," hindi ko na napigilan ang pagkakabasag ng boses ko.
"He met a small accident because that jerk rushed out of their house and used his motorbike! Buti nalang galos lang ang natamo niya! Tito's men helped him but he refused to go home."
"Where is he now? Is he okay?" pinilit kong maging buo ang boses ko.
"Tito didn't tell us where he is but he assured us that Rain is safe."
BINABASA MO ANG
Young Heartbeats [COMPLETED]
Romansa(COMPLETED) "If your love for me is true, you will let me heal the spiteful wound of the past. Kung talagang mahal mo ako, pakakawalan mo ako, Lavin." -Amara Lovelyn Alveriano "I love you so much, Love. If letting you go...