Chapter 9

92 4 0
                                    


Dahil sa naging usapan namin ni tita noong gabing 'yon, hindi na ako mapakali. Naging curious ako sa kung ano maaari ang dahilan niya para sabihin sa'kin ang mga 'yon. Naging mas interesado din akong malaman ang lahat ng tungkol kay Lavin lalo na ang tungkol sa pamilya niya.

"Where do you wanna go?" tanong niya sa'kin nang matapos ang practice kasama yung mga napili din ni sir sa ibang klase. Today is the last day of our practice for our dance presentation on the first day of foundation week. Sabado ngayon at sa Lunes na ang presentation namin.

"Hmm.. Can we just stay there for a while?" sabi ko sabay turo sa paborito naming tambayan sa loob ng campus. May mga nagpa-practice ng soccer sa malawak na field at wala gaanong tao maliban sa players.

"Okay. I'll just buy us food and drinks," hinatid niya muna ako sa nasabing lugar bago umalis.

Nang makabalik ay tahimik naming pinapanood ang mga naglalaro sa field habang iniinom ang drinks niya. Magkatabi kaming nakaupo at nakaharap sa field.

Napapikit ako nang umihip ang malakas hangin. Hapon na at malamig na ang simoy ng hangin.

"Lavin," tawag ko habang nakatingin pa din sa mga naglalaro. Kita ko sa gilid ng aking mata ang paglingon niya sa gawi ko.

Nagpatuloy ako, "kailan mo ako nagustuhan? Para kasing ang bilis."

Nakakahiya man pero gusto kong malaman. Kailangan kong malaman.

Ilang beses kong sinubukang tanungin si tita tungkol sa napag-usapan namin nang gabing 'yon pero wala akong nakukuhang matinong sagot.

"Just do what I say, please, Amara. I don't want you to get hurt in the end," yan palagi ang sagot niya saakin. Mas lalo tuloy akong naguguluhan.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Lavin kaya napalingon ako sakanya.

"The first time that I saw you, you already got my attention," he said while looking at me. Tumikhim ako at ibinalik ang tingin sa field.

"You mean, during the first day of class?" I asked even if I'm sure that was the first time we met.

"No," napaisip ako sa sagot niya at gulat na lumingon sakanya. Nabasa niya siguro ang kalituhan sa mga mata ko kaya nagsalita na siya, "during your grandma's funeral... in your hometown, Love."

"You were there?" gulat kong tanong.

"Yeah. My father invited me to come with him. I was so bored that day so I agreed and I'm thankful that I did." seryoso niyang sagot.

Naalala kong nabanggit nga ni tita na makikiramay daw ang boss niya sa huling araw ng burol ni lola. Dahil siguro sa sobrang pagluluksa ko ay hindi ko na sila nabigyang pansin.

Bumaling ulit ako sa field at dinama ang haplos ng hangin sa aking balat.

"Will you believe me if I say that you are one of the reasons why I stayed instead of going back to the States?" he asked when I spaced out.

"Hmm?" that's all I can answer.

Tumawa siya ng mahina bago nagsalita ulit, "I promised myself that I will see you again. Though, at first, it was not my intention to pursue you. Na-curious lang talaga ako sa'yo. You look like a misery so I got interested."

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Natawa siya ng mahina at umiling.

Nagpatuloy siya, "Narinig ko ang tita mo one time na nagpapasalamat kay dad dahil sa offer na pag-aralin ka, that's the time I made up my mind."

Young Heartbeats [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon