The memory of leaving Lavin that night is still vivid in my mind. The pain that I felt was beyond maximum when my son woke up on the plane without his father. He was crying and calling for his father's name while my heart is grieving for leaving the love of my life the second time around. Levi cried so much until he had an asthma attack. Hindi ko alam ang gagawin ko noong gabing 'yon. I'm glad the plane is prepared for such emergencies.
Hindi naging madali saamin ng anak ko ang sumunod na mga araw. I tried to explain the situation, little by little, to him. Levi is a smart child. I know he can handle the truth. At hindi nga ako nagkamali. Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang totoo tungkol sa pagkakawalay ulit saamin ng daddy niya ay wala akong natanggap na violent reaction mula sakanya maliban sa panunubig ng mga mata. Tahimik lang siyang nakinig saakin the whole time.
When I told him about what his father asked me to promise, doon na ako bumigay. Iyak ako ng iyak dahil bumabalik ulit ang sakit ng tagpong iyon saamin ni Lavin.
"Dad will come back to us, mom. He loves us so he will never leave us... not again," sabi ng anak ko habang niyayakap ako. Nahiya ako bigla sa sarili ko. Imbes na ako ang magpapatatag sa loob ng anak ko, baliktad pa ang nangyayari ngayon.
Dumaan ang ilang linggo hanggang sa umabot na ng ilang buwan pero wala pa rin akong naririnig tungkol sakanya. Madalas ko ring kausap si Kai at Marcus via phone pero hindi sila nagbabanggit ng kahit ano tungkol kay Lavin. Ayaw ko namang magtanong dahil natatakot ako sa maaaring isagot nila saakin. Ang tanging nagpapatatag nalang ng loob ko ngayon ay ang pangako ni Lavin na lalaban siya at ang anak kong siguradong-sigurado na babalikan kami ng ama niya.
"Where's mom?" napalingon kaagad kami ng anak ko sa nagsalita. We are in the living room watching a football game dahil iyon ang hilig ng anak ko.
Mabilis na tumayo si Levi at tumakbo sa tito niya, "Uncle Ris! You're finally home!"
Humalakhak si Ris at tinanggap ang yakap ng pamangkin, "Yeah but I need to leave again after dinner, buddy."
"You're still not done with your VIP patient?" tanong ko habang pinapanood sila ng anak ko na paupo sa tabi ko.
Pagod siyang umiling, "It's a tough case. But we will do everything to save the patient."
"You need to get some rest, too. You've been too busy with work lately."
"Yes, ma'am!" at sumaludo pa talaga siya saakin.
Maya-maya pa ay dumating na rin si tita kasama si Gabriel.
"Long time no see, bro!" bati kaagad ni Gab sa kapatid. Seryosong tumango lang si Maurice dito.
"Gran! Uncle Yel!" lumapit si Levi sa dalawang bagong dating para batiin sila ng yakap at halik.
"Sweet, young man! Very opposite of his grumpy uncle Ris!" nakangising pamumuri ni Gabriel kay Levi habang ginugulo ang buhok.
"Mom, I was waiting for you. We need to talk about something," pambabalewala ni Maurice sa sinabi ng kapatid.
"Sure. We can talk now... or is it... private?" maingat na tanong ni tita Amethyst.
"Let's talk in the study room, mom."
Umalis ang dalawa at naiwan kami ng anak ko kasama si Gabriel.
"Where is Gio, Uncle Yel?" tanong ni Levi.
"At home, buddy. Don't worry I'll bring him here next time."
"Okay. I'll wait, uncle Yel," seryosong sabi niya at ibinalik ang mga mata sa pinapanood. Nagkatinginan kami ni Gab at sabay na natawa sa inasta ng anak. Parang matanda kung magsalita eh.
BINABASA MO ANG
Young Heartbeats [COMPLETED]
Romansa(COMPLETED) "If your love for me is true, you will let me heal the spiteful wound of the past. Kung talagang mahal mo ako, pakakawalan mo ako, Lavin." -Amara Lovelyn Alveriano "I love you so much, Love. If letting you go...