Chapter 2

142 11 0
                                    



I took a deep breath as I stepped foot on the ground of my new school. Habang nakatayo ako sa bungad ng gate ay inilibot ko ang paningin ko sa malalaki at matatayog na buildings at sa malawak na school ground. Namamangha ako sa laki at ganda ng paaralang ito. Hindi ko pa man nakikita ang loob ng buildings at facilities ay nasisiguro kong gawa din ang mga ito sa magagandang materyales at may magagarang mga kagamitan. Maganda din naman ang dati kong school pero higit na mas maganda at mas malaki ang paaralang kinaroroonan ko ngayon.


Nagsimula na akong humakbang para tuluyan ng makapasok sa bago kong paaralan. Habang naglalakad ako ay may mga nadadaanan akong mga estudyante na may kani-kaniyang grupo at masayang nag-uusap-usap. Tiningnan ko ulit ang registration form ko para masigurong tama ang building na tinutungo ko. Nang marating ko na ang classroom ko sa third floor ng building na 'to ay pumasok na ako agad dahil nakita ko mula sa glass window na wala pa namang teacher. Busy ang mga estudyante sa kani-kaniyang gawain. Yung iba ay masayang nagkukwentuhan; may iilang nagsusuklay ng buhok at nagre-retouch ng mukha; may mga nakatutok lang sa mga cellphones nila; may mga naka-nap lang sa desk; at may iilang sinusundan ako ng tingin habang naghahanap ako ng mauupuan. Maybe because I'm a new face here that's why they are curious.


I'm already in my last year in senior high school. Excited ako dahil alam kong magiging saksi ang university na ito ng mga pagdadaanan ko bago marating ang tagumpay sa hinaharap. On the other hand, kinakabahan ako dahil wala pa akong kakilala sa school na ito at halatang mayayaman ang mga estudyante dito. Nag-insist kasi si tita na dito ako pumasok dahil isa daw ito sa perks niya sa kompanyang pinapasukan niya. Isa pa, malapit lang din ito sa bahay na naipundar niya dito sa Manila. Five-minute drive lang daw kung walang traffic samantalang 20-30 minutes kung lalakarin. Dito na din daw ako mag-aaral hanggang sa matapos ko ang kolehiyo. I have no choice but to oblige. Okay lang naman saakin kahit saan. Ang importante ay makapagtapos ako ng pag-aaral.


I chose to sit at the far end corner of the classroom. Dito ako umupo since ito ang row na wala pa masyadong nag-occupy. Second to the last row ang napili kong upuan. Bale katabi ko ang bintana kung saan makikita ang mga dadaan sa hallway para makapunta sa ibang classrooms ng floor na 'to.


Nang maayos ko na ang mga gamit ko ay inilabas ko agad ang librong malapit ko ng matapos para makapagbasa habang hinihintay ang teacher. Late na siya ng ilang minutes pero okay lang since first day pa naman. Habang nagbabasa ako ay napansin kong biglang tumahimik ang lahat. Naisip kong siguro ay dumating na ang teacher kaya sinarado ko na ang libro ko para itago. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang taong naging dahilan ng pagkatahimik ng lahat. She's definitely not our teacher because she's wearing the same uniform as ours. Ang pinagkaiba nga lang ay ang ayos ng hitsura niya. She has very thick black eyeliner and she's wearing a very short skirt instead of the normal above-the-knee-length skirt just like what I'm wearing now. On her right shoulder swung her bag while on her left is another black bag which is obviously a guitar. The girl with an emotionless expression walks like she owns the whole place. She looks weird yet cool at the same time.


Napaupo ako ng tuwid nang tumigil ang babae sa harap ko. Tumingin ako sa mga kaklase namin at nakita kong lahat sila ay tahimik lang na nakmasid saamin. Tumaas ang isang kilay ng babae at tiningnan ako sa mata. Kinabahan ako pero hindi ko ipinahalata. Kinunot ko ang noo ko at nilabanan ang matalim niyang titig saakin. Nagtitigan pa kami ng ilang segundo bago siya marahas na bumuga ng hangin at nagsalita.


"Move out! That's my seat!" mahina pero matigas niyang sabi. Mas lalo kong kinunot ang noo ko. Nagtataka kung may reservation of seats ba during enrolment at hindi lang ako nasabihan noong nagpa-enrol ako. First day of class pa naman ngayon kaya akala ko ay first come first serve basis ang seats ng mga estudyante, unless baguhin ng teacher ang sitting arrangement kapag regular classes na.

Young Heartbeats [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon