Chapter 19

57 3 0
                                    



Warning! This chapter contains sensitive parts that will require mature perspective and open mindedness of the readers.

Read at your own risk!



"What do you mean?" may kaakibat na panganib ang boses ni Lavin."

Ayesha is your fiancée. Greet her and stop being stubborn."

Mapaklang tumawa si Lavin at hindi inaalis ang masamang tingin sa ama. Kinakabahan na ako pero hindi ako makapagsalita.

"And now you're being a controlling freak, huh?"

"Raniel!" dumagundong ang boses ni Mr. Zalmientes.

Ngumisi lang si Lavin, "How dare you introduce me as someone's fiancee when my girlfriend is just right beside me?"

"Raniel! Stop being rude!" saway ulit ni Mr. Zalmientes. Natahimik ang paligid. Lahat na yata ay nakatingin sa'min.

"And you're not being rude right now?" matapang na tanonong ni Lavin sa ama.

Nanghihina kong ibinaba ang mga kamay ko at pinagsalikop sa kandungan ko. Bumaba doon ang tingin ni Lavin at hinawakan ang nanlalaming kong mga kamay.

"It's okay, love. I can handle this," bulong niya na mas lalong nakapagpakaba saakin.

"Let's talk inside. Don't make a scene here!"sigaw ni Mr. Zalmientes sa anak.

Nag-angat ako ng tingin kay Lavin at nakitang saakin lang nakatutok ang atensyon niya. Hindi siya gumagalaw kaya marahan ko siyang itinulak.

"Go, talk to your dad," utos ko.

"I'm sorry for that. Please continue the party," paghingi ng paumanhin ni Mr. Zalmientes sa mga bisita. May ibinulong siya sa mag-asawang bisita at tinapik sa balikat ang tinutukoy niyang fiancee daw ni Lavin bago tuluyang pumasok sa mansyon.

Tinitigan muna akong mabuti ni Lavin bago inangat ang mga kamay ko at hinalikan.

"I'll be back. Wait for me, okay?"

Sumunod siya sa daddy niya papasok sa mansyon nila. Nagtaka ako nang makitang sumunod sakanila si tita. May alam na naman ba siya tungkol dito?

Parang dinudurog ang puso ko sa kaisipang may ibang babae na gustong ipagkasundo ang daddy ni Lavin para sakanya. Hindi matanggap ng puso ko 'yon. Sa bawat paghinga ko ay parang binubuhol ang puso ko sa sakit. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako kung hindi pa pinunasan ni Kai ang mga luha ko.

"It's okay. Rain will never let anything ruin your relationship," alu saakin ni Kai at niyakap ako. Tinawag siya ng parents niya kaya nagpaalam muna siya saakin saglit.

Lumapit na din saakin sina Marcus at Gale. "I'll bring you home. You don't deserve this treatment, Amara!" galit na sabi ni Marcus.

Tumutulo pa rin ang luha ko at wala akong pake-alam kahit marami na ang nakatingin sa akin. Ang tanging malinaw saakin ngayon ay nasasaktan ako at kailangan kong hayaan ang paglabas ng mga kuha ko dahil baka bumigay na ang puso ko kung magpipigil pa ako. Ang sakit sakit!

"Let's go!" mariing utos ni Marcus at inakay ako patayo. Hinawakan din ako ni Gale sa kabilang braso. Wala sa sariling nagpatianod ako sa magkapatid. Namalayan ko nalang ang sarili kong mag-isang umiiyak sa kwarto. Nagpapasalamat ako na pinagbigyan ako nina Marcus at Gale na mapag-isa muna.

This is so unfair! I never thought this would happen to us! I have no doubts with Lavin's love for me but what about his father? Do I need to beg for his approval? Will he ever approve an orphan for his precious son? Mas lalo akong nanlumo at nasaktan sa naisip.

Young Heartbeats [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon