Chapter 21

61 3 0
                                    

Nakaupo lang ako buong araw sa sofa at nakatulala habang naghihintay sa pagdating ng taong mahal ko... ang anak ng babaeng walang habas na pinatay ang mga magulang ko.

Makaraan pa ang ilang sandali ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ako nag-angat ng tingin pero alam kong si Lavin na 'yon. Nakumpirma kong siya nga nang umupo siya sa tabi ko at patagilid akong niyakap bago hinalikan sa pisngi.

"What's wrong, love?" nagtataka niyang tanong habang pinagmamasdan ang mukha ko.

Hindi ako nagsalita kaya kumalas siya sa yakap at hinarap ako ng maayos. Inipit niya ang takas kong buhok sa likod ng aking tenga.

"Love, you're scaring me. What's wrong?"

"Your dad went here..." nilingon ko siya, "with my aunt."

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya na napalitan agad ng takot.

"W-What did they t-tell you?" kabado niyang tanong.

"They told me things from the past... and I w-wish I didn't hear it. Ang sakit-sakit!" yumuko ako para hindi niya makita ang pagtulo na naman ng luha ko.

Naramdaman ko ulit ang yakap niya, "They told you everything."

Mahina lang ang pagkakasabi niya pero naging dahilan iyon ng paninigas ko. Sa tono ng pananalita niya, mukhang alam na niya kung ano ang mga sinabi saakin ng daddy niya at ni tita.

Parang kidlat na tumama saakin ang tagpong sinabi niya saakin ang hinanakit sa nagawa ng mama niya.

I don't want your opinion of me to be tainted once you learn how dark my mother's past is. I've loved and respected her memory my whole life but after knowing everything, I don't even want to remember her.

Pinilit kong kumawala sa yakap niya at umatras para makaharap siya ng maayos.

"Tell me the truth. Alam mo na ba ang mga sinabi nila saakin?"

Hindi siya nakapagsalita kaagad. Tinitigan niya ako gamit ang mga matang naninimbang sa reaksyon ko.

"Sumagot ka! Alam mo na ba ang mga nalaman ko kanina?"

Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nawasak na ang damdamin ko dahil sa mga inamin ni tita... at kung alam na ni Lavin ang lahat nang hindi man lang niya sinasabi saakin, hindi ko alam kung ano na ang kahihinatnan ng puso ko.

Dahan-dahang tumango si Lavin. At kasabay ng pagtango niya ay ang pagguho ng buong mundo ko. Hindi ko alam na maaari pa palang madurog ang pusong wasak na. Akala ko malalim na ang sugat na naidulot saakin ni tita... hindi ko alam na may mas ilalalim pa pala iyon ngayong si Lavin na ang dahilan.

Marahas akong tumayo at aalis na sana pero agad niyang hinuli ang beywang ko at pilit akong pinaharap sakanya. Nakaupo pa rin siya sa sofa habang nakayakap saakin. Ibinaon niya ang mukha niya sa tiyan ko.

"Bitaw," malamig kong utos. Umiling siya at tumingala saakin.

"Love, sinabi nila saakin ang nangyari noon dahil gusto nilang layuan kita. Hindi daw tayo pwede. Iyong gabing nagkausap kami ni dad at naglayas ako, iyon ang gabing nalaman ko ang lahat. Hindi ko alam ang gagawin ko. My mother killed the parents of the girl I swore to protect! Gulong-gulo ang isipan ko noon pero isa lang malinaw saakin... I don't want to lose you. I'm so afraid I'll lose you that's why I decided to just forget about it. It's already in the past, love. Let's get over it." puno ng pagsusumamo at sakit ang boses ni Lavin.

Mas lalo akong nasasaktan dahil nakikita ko siya sa ganitong ayos. Sinubukan kong kumalas sa yakap niya pero hindi siya bumitaw. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa beywang ko, ang mukha'y ibinaon ulit sa aking tiyan at ramdam kong basa na ang damit ko dahil sa luha niya.

Young Heartbeats [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon