"Say hi to tita Ara!" malambing na utos ni Kai sa dalawang anak. Nakangiti akong kumaway habang nakatingin sa cute na mga bata sa monitor ng laptop ko. Madaling araw ulit dito samantalang hapon sakanila.
"Hi girls!" ako na ang bumati dahil busy ang dalawa sa paglalaro at mukhang walang balak magpaistorbo.
Natatawa siyang umiling, "Haynaku! Hayaan mo't makakausap mo rin ang dalawang 'yan ng matino pag-uwi mo dito."
"It's okay. How old are they?" nakangiti kong tanong. I hope I can introduce Levi to them too. But I think it's not yet the right time. Siguradong magugulo ang plano ko kapag nalaman ni Kai na may anak kami ng pinsan niya.
"Our eldest daughter, Margaux, is four while Marjorie, the youngest, is turning two in three months. Hope you'll be here by that day."
Napangiti ako, "Where's Marcus?" pag-iiba ko sa usapan dahil papunta na naman kami sa pipilitin niya na umuwi na ako ng Pilipinas sa lalong madaling panahon.
"He's at work," bumuntong hininga siya at nilingon ang mga anak na naglalaro.
Marami pa kaming napag-usapan ni Kai at umaasa ako na babanggitin niya si Lavin pero natapos nalang kaming mag-usap ay hindi pa rin niya nababanggit ang pinsan.
Gustong-gusto kong magtanong pero natatakot ako. Sa huli ay ibinaba ko ang telepono na wala pa ring nalalaman tungkol sa ama ng anak ko. Kumusta na kaya siya?
Naalimpungatan ako ng maramdamang may humahalik sa buong mukha ko. Palipat-lipat ang halik niya sa noo, pisngi, ilong, at labi ko. Akala ko ay panaginip lang pero nang idilat ko ang isang mata ko ay napangiti ako. Ang sarap naman talagang gumising kung mukha ng isang anghel ang bubungad sa'yo.
"Good morning, mom!" ngumiti siya at muling hinalikan ang pisngi ko.
"Good morning, son!"
"Get up, now, mom! Someone is waiting for you!" excited na sabi ng anak ko habang hinihila ako patayo.
"Hmm?" bumangon ako habang kinukusot ang mata ko, "Who's waiting for me?"
"I don't know mom. He just said he's a friend from the Philippines."
Philippines. Ang pagbanggit sa lugar na 'yon ay nagdulot ng kilabot sa buong sistema ko. Imposibleng si Kai or si Marcus iyon. Kausap ko lang si Kai kagabi at wala akong makitang dahilan para pumunta dito si Marcus na walang pasabi.
"I'll go down to meet that friend but I want you to stay here. Don't go outside and just wait for me, okay?"
Naguguluhan man ay tumango pa rin ang anak ko. Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili. Nakasalubong ko sa paglabas ko ng kwarto si tita Amethyst.
"I'll stay with Levi while you talk to your visitor," nakangiting sabi ni tita. Hindi ako makangiti kaya tumango nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Young Heartbeats [COMPLETED]
Romance(COMPLETED) "If your love for me is true, you will let me heal the spiteful wound of the past. Kung talagang mahal mo ako, pakakawalan mo ako, Lavin." -Amara Lovelyn Alveriano "I love you so much, Love. If letting you go...