Lumipas ang mga araw at palagi pa rin sa bahay sina Lavin at Marcus. Hindi pa din natitinag ang best friend ko sa pang-aasar kay Lavin. Mukhang sanay na din ang huli rito. Ngayon ay nandito ulit sila at katatapos lang namin magmeryenda.
"Malapit na matapos ang bakasyon nyo. Uuwi na din ang mga pinsan ko sa Cebu sa weekend," bigla ay sambit ni Marcus habang nakatambay kami dito sa garden.
Tumawag din si tita noong isang gabi at sinabing hindi na siya makakpunta dito dahil naging abala sila sa opisina. Hindi ko ipinaalam sakanya na nadito si Lavin dahil natatakot ako sa maari niyang sabihin. Baka magulo na naman ang utak ko.
Nagbabasa ako ng libro habang nagkakalikot ng gitara si Lavin. Si Marcus naman ay kanina pa nakatutok sa cellphone niya.
"The three musketeers and the twins wanted to waste a day around the city," sabi niya at humalakhak, "Sa makalawa pa naman 'yon so I hope makapunta ka."
Tumikhim si Lavin kaya sabay kaming napalingon sakanya. Tumawa ulit si Marcus, "Hindi mo siya papayagan, dude? Sumama ka na rin para hindi lang ang garden nina Amara ang narating mo dito sa Baguio."
Kunot-noo siyang tinitigan ni Lavin dahil nababaliw na naman siya.
"Do you wanna go?" bulong sa'kin ni Lavin at humarap sa'kin ng maayos.
"I think it's a good idea before the break ends," kibit-balikat ko.
"Alright. We'll go."
"Aalis na ako at baka hindi muna ako makapunta dito bukas dahil nagpapasama sa'kin si mama," sabi ni Marcus at tumayo na.
"Sige, ingat ka," sagot ko at sinundan siya ng tingin. Ibinulsa na niya ang cellphone at ngumisi sa'kin bago sumulyap sa katabi kong hanggang ngayon ay nakakunot ang noo.
"Ingat din, Amara. Alis na ako dude," nakangising sulyap niya kay Lavin. Wala siyang natanggap na sagot sa katabi ko maliban sa bahagyang pagtango nito. Umiiling at tumatawang umalis si Marcus.
Kinabukasan ay hindi nga nakapunta sa bahay si Marcus. Halata naman ang saya sa mukha at galaw ni Lavin.
"I hope we can stay like this forever," napalingon sakanya dahil sa biglaang pagsasalita.
"Ano na naman?" mataray kong tanong habang ibinabalik ang tingin sa tinolang niluluto ko. Nasa dining table siya at inaayos na ang pagkakainan namin.
"I'm just amused of our situation now. We are like a married couple and this is our simple life in our humble home," masaya niyang sagot. Medyo natigilan ako at sa huli ay napangiti nalang. Parang may kakaibang init na humaplos sa puso ko.
Nang sumapit ang paglubog ng araw ay nagpaalam siyang aalis na muna. Naisip kong maaga kaming aalis bukas kasama sina Marcus kaya hassle sa part niya kung uuwi pa siya sa hotel at babyahe papunta dito bukas ng madaling araw.
"Kung gusto mo... dito ka nalang matulog ngayong gabi," alok ko sakanya. Nakita kong nagulat siya pero unti-unti ring gumuhit ang ngiti sa labi niya.
"Naisip ko lang na mahihirapan ka kung uuwi ka pa sa hotel dahil maaga tayong aalis bukas," sabi ko agad dahil naasiwa ako sa ngiti niya.
Humalakhak siya, "If you insist, Love. I always have extra clothes with me on my car so..."
"I'm not insisting! Kung ayaw mong matulog dito at mas gusto mong umuwi sa hotel, walang problema sa'kin," kontra ko agad sa sinabi niya.
"Alright. I insist to stay here for the night, then," humahalakhak niyang sagot. Pakiramdam ko pulang-pula na ang buong mukha ko. Tinalikuran ko siya at nagpasyang ayusin nalang ang kwarto ni tita para doon siya patulugin.
BINABASA MO ANG
Young Heartbeats [COMPLETED]
Romansa(COMPLETED) "If your love for me is true, you will let me heal the spiteful wound of the past. Kung talagang mahal mo ako, pakakawalan mo ako, Lavin." -Amara Lovelyn Alveriano "I love you so much, Love. If letting you go...