Lumipas ang mga araw na binabalewala ko ang paghangang nararamdaman ko para kay Raniel. Crush lang naman 'to kaya sigurado akong mabilis lang itong mawawala lalo na kung ida-divert ko ang atensyon ko sa mas mahahalagang bagay. Hindi naman ako nahirapan na iwasan siya dahil hindi naman talaga kami nag-uusap. May mga pagkakataon nga lang na nahuhuli ko siyang nakatitig saakin at parang may malalim na iniisip. Sa tuwing nahuhuli ko siyang ganoon ay hindi siya agad umiiwas ng tingin. Bagkus ay tinitingnan niya din ako sa mga mata at parang sinusubukan din akong basahin.
"Oh, san ka pupunta 'nak? Sabado ngayon at ang alam ko'y wala kayong pasok," tanong ni tita Lisa nang maabutan niya ako sa sala na nagsusuot ng sapatos. Naka maong shorts lang ako matched with white and red stripe buttondown short sleeve top.
"Sa bahay po ng kaklase ko tita. May practice po kami para sa performance task namin sa PE," sagot ko habang isinusuot ang sapatos ko.
"Ganun ba? Kumain ka na ba?"
"Tapos na po tita," sagot ko bago humalik sa pisngi nya at nagpaalam. Lumabas na ako ng bahay. Sabi ni Marj ay ipapasundo nalang daw niya ako dahil hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito sa Manila.
Saktong pagharap ko mula sa pagsasara ng gate ay tumigil ang isang magarang motor sa tapat ko. Hindi pa man natatanggal ang helmet ng driver ay nakakamangha na ang tindig at porma niya. Mas lalo akong namangha nang tanggalin na ng driver ang helmet niya at iniling-iling ang ulo para mabalik sa ayos ang medyo nagulong buhok. Buti nalang at nakabawi ako agad bago pa man tumama sa akin ang mga mata niya. Bumaba siya ng motor at lumapit saakin. Seryoso ang mukha.
Nang tumigil siya sa tapat ko ay parang tumigil din ang mundo ko. Feeling ko tumigil ang oras and all that matter right now is our moment. Nakabalik ako sa realidad nang magsalita siya gamit ang napakagwapong tinig, "Kai asked me to fetch you. Are you fine with motorbikes?"
Hindi ako nakasagot kaagad kaya ngumiti siya bago inabot saakin ang isang helmet. Wala sa sariling tinanggap ko 'yon. "O-oo. Okay lang. Salamat," medyo nauutal kong sagot. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya pero hindi ko nalang pinansin.
Namalayan ko nalang ang sarili kong nakayakap ng mahigpit sa beywang niya dahil sobrang bilis niyang magpatakbo at feeling ko maiiwan ako kung hindi ako kakapit sakanya ng mahigpit. Habang tumatakbo ang motor ay parang humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. This is my first time to ride a motorbike! And damn! He drives like he owns the road. Wala akong ibang nararamdaman ngayon maliban sa sobrang kaba.
Siguro kung sa ibang pagkakataon, baka kiligin pa ako pero dahil feeling ko nasa biyaheng langit ako nagyon, walang ibang tumtakbo sa isip ko kung hindi ang mga dasal na sana dumating na kami sa bahay nina Marj.
Nakayakap pa din ako sakanya ng mahigpit habang nakapikit nang maramdaman kong huminto na ang motor. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at nakita kong nasa loob na pala kami ng gate ng malaki at sobrang gandang bahay. Bumitaw kaagad ako sakanya at dali-daling bumaba. Muntik pa akong matumba dahil parang nanginginig ang tuhod ko galing sa sobrang kaba.
Nang tanggalin ko na ang helmet at i-aabot na sana 'yon sakanya ay natigilan ako nang makitang seryoso siyang nakatingin saakin. Nakababa na din pala siya sa motor niya at wala ng suot na helmet. Tinanggap naman agad niya ang iniabot ko at ipanatong sa motor niya habang hindi pa din inaalis ang tingin saakin.
"Are you okay? You look so pale," nag-aaalala niyang tanong habang lumalapit. Hindi naman agad ako nakagalaw at feeling ko nanigas ako nang hawakan niya ako sa pisngi at sinuri ng mabuti ang mukha ko. Nailang naman ako kaya umatras agad ako at sinabing okay lang.
"Hi Ara! Thank God you're alive!" tinig ni Marj 'yon. Hindi pa din inaalis ni Raniel ang tingin niya saakin kaya ako na ang unang umiwas doon at sinalubong ang papalapit na si Marj.
BINABASA MO ANG
Young Heartbeats [COMPLETED]
Romansa(COMPLETED) "If your love for me is true, you will let me heal the spiteful wound of the past. Kung talagang mahal mo ako, pakakawalan mo ako, Lavin." -Amara Lovelyn Alveriano "I love you so much, Love. If letting you go...