We are now in the shaded part of the field for our PE class. Naka-PE uniform kami at nakalinya ng limang column with our arms raised in both sides. Our teacher has already discussed everything that we need to know for this lesson and we are here in the field to apply what we learned. He grouped us into five. Luckily, kasama ko si Marj sa grupo. We are seven in the group - only two boys and the rest are girls.
"Sayang hindi natin kagrupo si Rain," may tinig panghihinayang sa boses ni Marj. Napalingon ako sakanya dahil narinig ko na naman ang pangalang yun.
It's been two days since that incident in my favorite spot. Nang iwanan ko silang dalawa doon ng araw na 'yon ay dumiretso na agad ako sa classroom. Medyo natagalan silang sumunod saakin kaya may teacher na nang dumating sila. Sinubukan akong kausapin ni Marj pero sinenyasan ko lang siya na mamaya na dahil nagsasalita ang guro. Hanggang sa mag-uwian na ng araw na 'yon ay hindi na kami nakapag-usap ni Marj dahil sinabi kong kailangan kong umuwi kaagad.
Kinabukasan naman nun ay sabay ulit kaming nag-lunch ni Marj sa favorite spot ko na favorite na din daw niya. Hindi kagaya nung una, walang sumulpot na Raniel. Sinabi saakin ni Marj na mali daw ako ng iniisip tungkol sakanila ni lalake. Pero bago pa man siya makapagpaliwanag ay pinutol ko na kaagad ang sasabihin niya. Sinabi kong hindi niya kailangang magpaliwanag dahil wala din naman akong pakealam kung ano man ang namamagitan sakanila.
Tumawa siya at sinabing, "Ang harsh mo naman!" Nakitawa din ako pero hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil alam kong kabaliktaran ng sinasabi ng bibig ko ang nararamdaman ko. Kung wala man silang relasyon ay sigurado akong may espesyal na namamagitan sakanila. Pilitin mang itanggi ng isip ko pero hindi maikakaila ng puso ko na may konting panghihinayang doon.
Hangga't maaari ay ayaw kong may maramadamang kakaiba para kay Raniel. Kahit crush lang 'to ay ayaw ko pa din dahil gusto kong maging kaibigan si Marj. Ayaw ko na may kahit konting bitterness sa puso ko dahil lang sa isang lalake.
Nakabalik ako sa kasalukuyan nang tampalin ni Marj ng mahina ang pisngi ko. "Okay ka lang ba, Ara?" nagtataka niyang tanong.
Kumurap-kurap muna ako bago sumagot, "Ha? Ah, oo naman. May naalala lang."
Napatingin kaming lahat sa harap nang magsalita si sir, "Now that you are here, I want you to be with your groups and apply what you have learned from our lesson. Please be creative and flexible with your moves. You can choose your own music and apply your own choreography on it. This will be your first performance task and you will present your dance next month before your exams."
Matapos magsalita ni sir ay medyo naging maingay dahil nagsimula ng magsalita ang mga magkakagrupo. Ang iba ay mukhang excited samantalang ang iba ay mukhang hindi interesado at napipilitan lang alang-alang sa grade.
Natigil ang ingay at napaharap ulit kami sakanya nang bigla siyang pumito. "By the way, I will choose three best dancers from this class. The lucky three students will be exempted in prelims and will get a perfect grade for this performance task. Also, the lucky three students will have their presentation on the upcoming foundation week of the school. They will be collaborating with the other best dancers from other classes. The upcoming foundation week will be on the third week of August which is approximately two months from now," sabi ni sir at nagkaroon na naman ng bulung-bulungan. Nagtanong si sir kung mayroon daw ba kaming tanong regarding our PT at nang walang sumagot ay pinapunta na kami sa kani-kaniyang grupo para makapagsimula na.
BINABASA MO ANG
Young Heartbeats [COMPLETED]
Romance(COMPLETED) "If your love for me is true, you will let me heal the spiteful wound of the past. Kung talagang mahal mo ako, pakakawalan mo ako, Lavin." -Amara Lovelyn Alveriano "I love you so much, Love. If letting you go...