Banner made by Jananghae/Amochichi
"IKAW na bata ka! Wala ka nang ibang dinala rito kundi kamalasan!" Napadaing si Erienna nang bigla siyang hilahin ng kaniyang tiyahin sa buhok at kinaladkad palabas ng kanilang bahay.
"Lumayas ka rito at 'wag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan!" nanlilisik na mga matang sigaw ng kanyang tiya.
"T-tiya--" Akmang lalapit siya rito ngunit isang malutong na sampal ang natanggap ng kaniyang pisngi dahilan para mapatumba siya sa kinatatayuan. Hindi pa ito nakuntento at nginudngod ang kaniyang mukha sa lupa.
Ilang beses din siyang nakipaghalikan sa lupa bago tumigil ang kaniyang Tiya Silva.
"Sana namatay ka na lang kasama ng mga magulang mo!" At sinipa siya nang malakas sa tagiliran. Iniwan siya nitong nakahilata sa labas at padabog na sinara ang pinto.
Ramdam ni Erienna ang hapdi sa kaniyang pisngi't tagiliran, ngunit mas masakit ang nararamdaman ng kaniyang puso matapos banggitin ang sinapit ng kaniyang mga magulang na para bang wala lang. Mas dumoble pa ang nararamdaman niya dahil sa kung paano siya tratuhin nito na parang isang basahan.
Napahagulgol ang dalaga habang inaalala ang kaniyang ama at ina. Napahawak siya sa kuwintas na ibinigay ng kaniyang ina. It had a pendant with a wolf hugging a moon. Ito na lang ang tanging bagay na naiwan sa kaniya mula sa mga magulang.
Simula nang mamatay sa aksidente ang magulang niya, ang kaniyang tiyahin na ang kumupkop sa kaniya. Akala ni Erienna ay tatratuhin siya nang tama pero itrinato lang siyang parang isang basura.
Kung alam ko lang!
Dahan-dahang tumayo si Erienna at mapait na sinulyapan ang nakasarang pinto sa harapan.
Nakakatawang isipin dahil mukhang siya pa ang aalis sa sarili niyang pamamahay. Oo, bahay nila ang tinitirahan ng tiyahin niya. Ito rin ang namamahala sa negosyong itinayo ng pamilya niya at ngayon, sinisisi siya nito dahil unti-unti nang nalulugi ang negosyo kahit wala naman siyang ginawa.
Paika-ika siyang naglakad paalis habang marahas na pinunasan ang mga luha.
As if din naman gusto ko pang manatili rito!
Alas-nuwebe na ng gabi at palakad-lakad lang siya sa gilid ng kalsada. She didn't know where to go. She just let her feet took her to somewhere, away from her aunt.
Napapikit siya nang maramdaman ang malamig na hanging dumampi sa balat.
Napamulat siya nang mapansing may tumahol sa kaniya.
"Kibi." Napangiti na lang siya nang masilayan ang aso na para bang tuwang-tuwa itong makita siya. Dinala pala siya ng kaniyang mga paa sa isang pet shop.
BINABASA MO ANG
Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)
WerewolfCredits to @_Athena_ who made this wonderful cover ❤️ A destined. A king. And a forgotten past. Erienna, who is still haunted by her parent's death, is thrown out by her abusive aunt. It's an eventful night when she decides to follow a puppy into th...