Kabanata 8

6K 319 127
                                    

"CALL the Knights."

"In an instant." Fenrys disappeared from his sight.

Tinungo ni Midnight ang salas hanggang sa makalabas ng palasyo. Doon, naabutan niya si Fenrys at ang mga taong lobong pinili niya.

Dahil sa nangyaring labanan noon, napagtanto ni Midnight na kailangan niyang bumuo ng sariling grupo na magtatanggol at poprotekta sa kaharian. At iyon ang mga Knights.

Halos ipagsigawan na ng kanilang tindig ang dala-dala nilang kakisigan. Kulay kayumanggi ang mga balat at ebidensya ng pag-eensayo ang matipuno nilang mga katawan.

"Uno." Yumukod ang mga ito bilang paggalang sa kaniya.

Pinasadahan niya ng tingin ang mga ito bago nagsalita. "Kakapulong lang natin tungkol sa mga Havocs at sa gaganaping Moon Festival. While we're at the meeting, the girl that I brought here was attacked by the Havocs."

Napaangat ang mga tingin nito at kita sa kanilang mukha ang pagkabahala.

"I know it's alarming, but the good thing is, we're able to find out the human in the prophecy and it's her. It's Erienna," saad ni Fenrys at tumabi sa kanang bahagi ni Midnight.

Hindi mapigilang mapangiti ng mga Knights nang marinig ang balita. Bakas sa kanilang mukha ang saya.

"That's good to hear!" natutuwang sabi ni Dago.

"Now we have an alas," sabi rin ni Yves habang nakangisi.

"But that doesn't mean we will just stand and watch," kalmado ngunit punong-puno ng awtoridad na saad ni Midnight kaya napatahimik sila at napabalik ang atensyon sa kanilang pinuno.

"Kung ayaw niyong maulit ang nangyari noon, we need to act now," dagdag niya at makahulugang tinignan ang bawat isa.

Matapos iyong sabihin ni Midnight, nasaksihan niya kung paano umapoy ang mga mata ng mga Knights. Galit, hinagpis at ang pagnanais na makaganti ang mga emosyong naglalaro sa kanilang mga puso. Hindi lang si Midnight ang nawalan ng mga mahal sa buhay pati rin sila. Naranasan din nila ang pait na idinulot ng labanan na nagsilbing bangungot sa kanilang mga buhay. Ginawa nilang determinasyon ang puot at sakit sa kanilang paglaki upang maging malakas.

Kahit ni isang beses, hindi nila naisip na matakot, ngayon pa na kaya na nilang lumaban at ipagtanggol ang kanilang mga nasasakupan?

"Bukas ng madaling araw, magkita tayo sa boundary ng Raeon. Any moment puwedeng sumugod ang mga Havoc. That's why we need to build those fences as soon as possible," saad ni Midnight at agad namang tumango ang mga Knights.

"Lenox." Nilingon niya ang lobong may singkit na mga mata. He sent him a message by looking at his eyes.

"Makakaasa ka, Uno," sagot nito nang matanggap ang mensahe.

Tumalikod na si Midnight senyales na tapos na ang kanilang pag-uusap. Isa-isang nagsialisan ang mga ito hanggang sila na lang ni Fenrys ang naiwang dalawa.

"Sinabi mo na ba kay Erienna?" tanong nito patungkol sa propesiya.

"Yeah."

Fenrys smiled while brushing his hair. "Okay, sige alis na rin ako. Bye!"

Hindi pa siya nakakakurap, nawala na agad ito sa harapan niya.

Pumasok na si Midnight sa loob at dumiretso sa kuwarto kung saan natutulog si Erienna. Tinabihan niya ito at buong gabing tinitigan lang ang pagmumukha ng dalaga.

Hindi siya makatulog. Nag-aalala siya sa mga posibleng mangyari lalo na't papalapit na ang Moon Festival. Alam niya kung gaano katuso ang mga Havoc at susugod ito sa 'di inaasahang pagkakataon. At ang pagkakataong 'yon ay ang araw ng Moon Festival, kung saan magsasaya ang lahat.

Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon