Kabanata 13

4.5K 237 67
                                    

MIDNIGHT groaned while catching his breath. Kumikirot ang kaniyang tagiliran at tumutulo pa rin ang dugo sa kaniyang sugatang tainga. Sinunggaban siya ng apat na natitirang lobo kanina kaya hindi maipagkakaila ang natamo niyang pinsala.

One of them bit his left fore feet, now it was swollen and he couldn't even step it on the ground. But despite of the attack he received, he still managed to defeat them and stand as firm as he could, showing that he won the fight.

Sinulyapan niya ang isang lobong pilit na tumatayo at ayaw tanggapin ang pagkatalo. May hiwa ang gilid ng panga nito dulot ng kalmot niya. Pumapatak din ang dugo mula sa leeg nito at bumibigay ang mga paa dahil sa panginginig.

"We're still not--"

"Shut it."

Hindi na niya pinatapos ang lobo at walang pagdadalawang-isip na tumalikod.

Kailangan na niyang bumalik sa palasyo.

Nagsimula nang tumakbo si Midnight. He wanted to run at full speed but he couldn't. Tatlong paa lang ang gamit niya sa pagtakbo at halos maubos na rin ang lakas niya sa laban kanina. He felt exhausted and his body wanted to rest.

Napailing siya at kinagat ang kaniyang dila. He needed to stay awake. Hindi pa siya puwedeng magpahinga dahil hindi pa tapos ang laban.

Malapit na siya sa palasyo at nasilayan na rin niya ang kaniyang mga nasasakupan na nagkakagulo. The Knights were busy fighting the Havocs who tried to harm his wolves. Nang makarating, agad niyang tinungo ang direksyon ni Lelo at gamit ang natitirang lakas, binangga niya ang lobong nakadagan dito.

"Thanks, Uno."

Hindi pa siya nakakasagot, naamoy na niya ang malansang dugo na nagmumula sa palasyo. Pupunta na sana siya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang isang batang lobo na sinusugod ng Havoc.

Leven!

Agad niyang tinungo ang direksyon nito at pumagitna sa kanila. Tumalon ang Havoc dahilan para bumangga ang mukha nito sa kaniyang tiyan. Napasinghap siya nang maramdaman ang pagkirot.

"Kuya Uno!"

Damn. Masakit na nga, mas lalo pang sumakit dahil sa pagkakasubsob nito.

"Ares!" Napaatras ang lobo nang makilala siya. Ang akala niya'y tatakbo na ito ngunit hinanda nito ang mga paa upang sugurin siya.

Pero bago pa man ito makalapit ulit sa kanila, isang malakas na ungol ang narinig nila. Hindi niya alam kung saan ito nanggagaling.

"Tsk. Masuwerte ka, Ares," ang huling sinabi ng Havoc bago tumalikod. Ganoon din ang ginawa ng iba at tumakbo na paalis.

"Are you okay?" Agad niyang nilingon si Leven at umiiyak ito.

He sighed in relief when he didn't see any wounds from the pup's body.

"It's okay now," pagpapatahan niya. He licked his tears to stop him from crying.

"Uno!" Napatingin siya sa tumawag sa kaniya. It's Meira with Lorcan. Agad itong lumapit sa kanila at kinarga si Leven.

"He's fine."

"Maraming salamat, Uno."

Tango lang ang isinagot niya at nagmamadaling pumasok sa palasyo. Kinabahan siya dahil hindi na niya maamoy ang dalaga. Tinungo niya ang kuwarto ni Erienna, umaasang makikita ito subalit walang malay na puting lobo ang naabutan niya.

Napamura siya nang makita ang kondisyon nito.

"Fenrys." Nilapitan niya ang duguan nitong katawan.

Nagsidatingan na rin ang iba pang mga Knights at agad na lumapit kay Fenrys.

Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon