Kabanata 9

5.1K 298 116
                                    

KUNG puwede lang mapunit ang labi siguro'y kanina pa nasira 'tong kay Erienna sa kakangiti. Sa tuwing maaalala niya ang halik na pinagsaluhan nila ni Midnight kahapon, hindi niya mapigilan ang sariling hindi mapatili. Naalala niya ang bawat detalye kung paano siya hinalikan nito at kung paano na lang nagwala ang kaniyang puso sa tuwa.

Nasa harapan siya ng salamin habang inaayos ang kaniyang sarili. Gusto niyang maging presentable sa harapan ng lalaki mamaya. Inilugay niya ang kaniyang mahaba at maitim na buhok habang ang iilang hibla nito ay isinabit niya sa kaniyang tainga. Isinuot niya ang kaniyang kuwintas bago lumabas ng kuwarto.

"Magandang umaga po!" bawat madadaanan niyang katulong ay binabati niya nang may ngiti sa labi.

"Si Midnight po?" tanong niya kay Lina, ang kanilang tagapagluto.

"Nasa hardin po, Miss Erienna."

Nginitian niya muna ito at saka masayang nagtungo papuntang hardin.

Habang naglalakad siya papunta roon, hindi na magkamayaw ang kaniyang puso. Hindi niya alam kung bakit masyado itong nananabik na makita si Midnight.

Napakunot ang kaniyang noo nang mapansing nakasara ang pintuan patungong hardin kaya hindi niya makita ang lalaki sa labas. Palagi naman itong nakabukas kaya nagtataka siya kung bakit ito nakasara ngayon. Lumapit siya sa malaking pintuang gawa sa kahoy at pansin niyang nakaawang ito.

Nakarinig siya ng mga boses kaya agad niya itong sinilip.

"Nawa'y magtagumpay kayo, Midnight."

Biglang tumigil ang mundo ni Erienna at unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makita si Midnight na may kasamang babae. Hindi lang basta kasama, magkalapat pa ang noo ng bawat isa. Pakiramdam niya'y sinaksak ng ilang libong patalim ang kaniyang puso at pinagsusuntok ito nang paulit-ulit dahilan para ito'y madurog.

Ang bawat pagtibok na binibigay nito ay hindi na tuwa kundi sakit.

Nakaramdam siya ng panliliit nang maaninag ang kagandahang taglay ng babae. Sa mukha pa lang nito, talo na agad siya. Kung ikukumpara niya ang sarili, magmumukha lang siyang basahan sa tabi nito.

Napabagsak ang kaniyang balikat habang iniinda ang kirot sa kaniyang puso. Napaatras na lang siya nang biglang dumating si Fenrys at humarang sa pintuan.

"E-Erienna, k-kanina ka pa ba riyan?" nauutal na tanong nito. Halata sa mukha ang kaba dahil hindi man lang ito makatingin nang diretso sa kaniyang mga mata.

Gusto niyang magtanong. Gusto niyang tanungin si Fenrys kung sino ang babaeng kasama ni Midnight ngayon, kung bakit 'Midnight' ang itinawag nito at hindi 'Uno'. Gusto niyang itanong kung ano ang namamagitan sa dalawa pero kahit isang salita, walang lumabas sa kaniyang bibig. Masyadong maraming katanungan ang lumalabas sa isipan at hindi niya alam kung anong uunahin niya.

She wanted to scream and push Fenrys away, but her emotions were overtaking her. Sadness, disappointment, insecurities and most of all, pain. She felt helpless. She felt defeated. She felt betrayed.

She heaved off a deep sigh before looking at Fenrys. "He seems busy. Alis na lang ako."

Bago pa man makasagot si Fenrys, agad na siyang tumalikod at naglakad palayo. Napatingala siya upang pigilan ang luhang pilit na kumakawala sa kaniyang mga mata. Para saan pa ang pag-iyak kung ang kaniyang puso ay kanina pa lumuluha.

---

YUMUKOD si Midnight bilang paggalang sa babaeng nasa harapan niya ngayon--si Matilda. Libong taon na itong nabubuhay at hindi tumatanda dahil sa sumpa. Wala pa rin itong pinagbago. Nakakaakit pa rin ang kagandahang taglay ng babae lalo na't kung mapapatingin ka sa kumikislap nitong mga mata.

Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon