"GAANO ba 'yon kalayo? Ba't wala akong nakikitang mga Havocs?" tanong ng kasama ni Lelo na si Gav.
"Yeah," sagot niya habang tinatanaw ang daanan. Napababa ang kaniyang tingin at napunta sa bitak-bitak na aspalto. Bahagya niya itong kinalmot dahilan para magtanggalan ang ilang mga bato.
"Will you stop that? Bitak na nga, sisirain mo pa," sita ni Steven sa kaniya kaya nilingon niya ito.
They were heading to the battlefield and all he could see at the moment were just smashed cements and statues. Ang tanging nagpapaliwanag sa kanilang daan ay ang ilaw ng buwan.
"Shh, silence. We're here."
Napahinto sila sa harapan ng isang pader. Lelo thought they were at the dead end of Blaitheria, but the wall was quite smaller than they saw outside. Maingat niyang tinapak ang mga paa upang 'di makalikha ng ingay. Habang papalapit, unti-unti niyang naririnig ang mga ingay na nagmumula sa likod ng pader. Napansin niyang may butas doon kaya sumilip siya. Doon niya nakita ang mga Havocs na abalang maghiyawan sa nangyayaring labanan. Tansya niya'y isang kilometro ang layo nila sa mga nagrarambulang mga Havoc.
Halos hindi na makapagsalita si Lelo sa dami ng Havocs na nandoon. Tama nga si Rauis, kung makikipaglaban sila nang harap-harapan, wala talaga ni isa ang makakauwing buhay sa kanila.
"Paano sila nakapasok do'n?" rinig niyang tanong ni Gav kaya nilingon niya sina Steven.
"Dito sila dumaan." Naglakad papalapit si Steven sa kinatatayuan niya. "The field was guarded by Simon, his ability let anyone pass through this wall."
"Simon, huh? Who's Simon?" Muli niyang sinilip ang butas at pilit na hinanap ang sinasabi nilang Simon. Ngunit wala pang limang segundo, sumuko na siya dahil bukod sa walang pinagkaiba ang kulay ng mga balahibo, malayo sila sa kinaroroonan ng mga ito at napapalibutan rin ng kadiliman ang buong paligid.
"Sa madaling salita, hindi tayo makakapasok?" sagot ni Gav na kalmado lang ang boses at walang halong pag-aalala.
Tumango sina Oli at Steven bilang tugon. Siya naman ay umiling sa inakto ng kaibigan at ibinalik ang tingin sa pader.
Isang libo. Mahigit isang libong mga Havocs ang kailangan niyang patulugin nang mahimbing. Kakayanin kaya ng lakas niya?
"What's Ares exactly saying about 'rest'? I'm still wondering what kind of ability you got."
He made a quick glance at Oli and faced the wall again. "I can put someone into a good night sleep with the smoke I release."
"Smoke, eh? Will your smoke can reach them?"
"Hmm . . . no, of course," he replied, waggling his tail. "But my brown-furred friend can help me." Giving him a meaningful look, he turned to face Gav.
Napangisi naman ang lobo sa sinabi niya habang sina Oli at Steven naman ay binigyan sila ng nagtatakang mga tingin.
"Argh, I don't really get what the hell you two are talking about but can you please make it faster? Malayo na sa 'tin si Rauis at maya maya lang ay mawawala na ang abilidad niya," Steven said.
"Fine, fine." Huminga muna siya nang malalim upang ihanda ang sarili. Paniguradong mawawalan siya ng lakas dahil sa dami ng kailangan niyang patulugin.
Sana kayanin ng katawan niya.
Tinignan niya muna si Gav na ngayo'y nakatingin na sa buwan. Nang makita niyang nagbago ang kayumanggi nitong mga mata at naging puti, pumikit siya. Pinigilan niya ang kaniyang paghinga. Ang kaniyang puso ay nagsisimula nang magwala, unti-unti na ring tumataas ang presyon ng kaniyang katawan. Dahan-dahan, binitiwan niya ang kaniyang paghinga. As he released his breath, he heard the sound of smoke coming out from his body. Ilang segundo niya rin itong ginawa at unti-unti na rin niyang nararamdaman ang panlalamig ng kaniyang katawan.
BINABASA MO ANG
Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)
WerewolfCredits to @_Athena_ who made this wonderful cover ❤️ A destined. A king. And a forgotten past. Erienna, who is still haunted by her parent's death, is thrown out by her abusive aunt. It's an eventful night when she decides to follow a puppy into th...