"WHAT are they? Bakit nila ako sinugod kanina? Akala ko ba mga mababait ang mga lobo rito? At saka bakit sila nakinig sa 'kin? Hindi ko maintindihan!"
Kanina pa dada nang dada si Erienna tungkol sa mga itim na lobong nakaharap nila. Nakabalik na sila sa palasyo at nakapagbihis na rin si Midnight.
Nasa kuwarto sila ngayon ng dalaga.
"Will you calm down a bit?" Midnight said. Inilapag muna nito ang tray ng pagkaing dala sa side table at umupo sa kama.
Pinagkrus naman niya ang mga braso at hinintay na makapagsalita si Midnight.
"They are Havocs," panimula ng lalaki kaya inangat niya ang kaniyang tingin. "They are black werewolves who traveled in packs. Wala silang ibang pinakikinggan kundi ang kanilang pinuno."
Kumuha ng tinidor si Midnight at itinusok sa karne bago ibigay sa kaniya. Kinuha naman niya agad ito at nilamon.
"Pinuno nila? Hindi ba ikaw ang pinuno nila?" tanong ng dalaga habang ngumunguya.
Umiling si Midnight. "Hindi ko sila kasapi and I don't have any idea kung sino ang leader nila."
"E, bakit nakinig sila sa 'kin? Akala ko ba pinuno lang nila ang pinapakinggan nila?"
Napaangat naman ang tingin ni Midnight dahil sa tanong niya. Bumuntonghininga ito. "I'm still not sure pero mukhang ikaw nga ang taong binanggit sa propesiya."
"Propesiya?" Napataas ang kaniyang kilay.
"Not a very long time ago, Matilda--an ancient wolf who was cursed--showed up and told us about the prophecy. She said that the Havocs would take its revenge and by that time, a human who could tame them would appear."
"At ang taong 'yon ay ako?" sabi ni Erienna habang nakaturo sa kaniyang sarili.
"I guess so."
Ilang beses na napakurap si Erienna habang nakaturo pa rin sa kaniyang sarili.
"Ha!" Hindi niya mapigilan ang sariling humagalpak sa tawa habang napapalakpak pa. Weeks ago, k-in-idnap siya ng isang lobo and now sasabihin sa kaniya na parte siya sa isang propesiya?
Napatigil siya sa pagtawa nang mapansin ang masasamang tinging ipinukol ni Midnight sa kaniya.
"Binibiro mo ba ako, Midnight?" ani niya at marahas na tinusok ang karneng nasa plato.
"Do I look like I'm joking?"
Napangiwi naman siya at kinagat ang karne. Kahit na itanggi niya ay kitang-kita mismo ng kaniyang mga mata kung paano ito nakinig sa iniutos niya.
Kahit na ipinaliwanag na ni Midnight sa kaniya, may mga tanong pa rin siya sa kaniyang isipan. Bakit siya sinunod ng mga ito? Because of the prophecy? And why was she involved about this? Bakit nasali siya sa problema ng mga lobo?
"Pagkatapos mong kumain, matulog ka na," saad ni Midnight at tumango lang siya.
"Hay!" Napahiga siya sa kama habang iniisip ang nangyari kanina.
Biglang sumagi sa isipan ang lalaking may kakaibang mga mata. Sa tuwing naiisip niya ang pagmumukha ng lalaki, nalulungkot siya at hindi niya alam kung bakit.
Nagiging weird na yata ako.
Ilang araw na niyang hindi maintindihan ang nararamdaman lalo na kapag malapit sa kaniya ang lobong may peklat sa mata. Sinulyapan niya si Midnight na nakaupo lang sa gilid ng kama at nahuli niya itong nakatingin sa kaniya.
Biglang sumakit ang kaniyang ulo kaya pumikit muna siya at hinayaan ang sariling makatulog. Maybe she was just exhausted.
"Midnight, come here!"
BINABASA MO ANG
Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)
WerewolfCredits to @_Athena_ who made this wonderful cover ❤️ A destined. A king. And a forgotten past. Erienna, who is still haunted by her parent's death, is thrown out by her abusive aunt. It's an eventful night when she decides to follow a puppy into th...