ALA-UNA na ng madaling araw at katatapos lang din ng Moon Festival. Nakapagpalit na rin ng anyo si Midnight at nandito sila ngayon sa kuwarto ng dalaga. Hindi maipagkakaila ng lalaki ang sayang nararamdaman niya ngunit hindi rin niya mapigilang hindi mag-alala.
"Hindi ko pa rin maalala ang lahat." Napakamot ito sa ulo. "Kahit anong gawin kong pag-iisip, wala talagang lumalabas sa utak ko."
Tinabihan niya ito sa kama at niyakap ito mula sa likuran. Sumusuot sa kaniyang ilong ang halimuyak ng dalaga kaya siniksik niya ang mukha sa leeg nito. Matagal na niyang gustong gawin ito ngunit nag-aalangan siya. Pero ngayon hindi na niya pinigilan ang sarili. Malaya na nilang naipapahayag ang damdamin sa isa't isa kaya bakit magdadalawang-isip pa siya?
Gustong-gusto niya ang amoy ng dalaga. Tila ba'y mababaliw siya kapag hindi niya naamoy ito. Erienna's scent was his favorite, after all.
"You're so sweet. I wanna bite you." He groaned and kissed her neck.
Siniko naman siya ni Erienna. "Ano ba! Tumigil ka nga!"
Hindi niya pinansin ang dalaga at pinagpatuloy ang kaniyang ginawa. He felt Erienna flinched. He was kissing every corner of her neck. Walang pinalampas ang kaniyang labi at pati na ang mga balikat nito ay ginawaran niya ng halik. He groaned when he couldn't get enough. Nakakagutom ang halimuyak nito at nais niya pang tikman ito.
"M-midnight, m-may sasabihin pa a-ako." Bahagya siyang natawa nang mapansin ang dalagang nahihirapang magsalita. Mas lalo tuloy siyang ginanahan sa kaniyang ginagawa.
"I'm listening."
"M-midnight . . ." Inakyat ng kaniyang mga labi ang tainga ng dalaga at kinagat ito. Napadaing ang dalaga at bahagya siya nitong tinulak.
"Masakit 'yon, ah!" reklamo nito at nilingon siya.
Sobrang lapit lang ng mukha nila sa isa't isa at rinig na rinig niya ang paghinga nito. Hindi rin niya maalis ang tingin sa mapupula nitong mga labi.
Napalunok siya.
"Bakit ka ba--"
He claimed her lips.
Tinugon ito ng dalaga at ipinulupot ang mga braso nito sa kaniyang leeg. Inihiga niya ito sa kama at pumaibabaw rito. Dumaloy ang kakaibang kuryente nang magdikit ang kanilang katawan. Nagsimula siyang gumalaw at mas pinalaliman pa ang halik na pinagsaluhan nila. Ramdam nila ang init na unti-unting nagigising sa kanilang sistema.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi nito habang ang kaniyang kamay naman ay nagsisimula nang maglakbay sa iba't ibang parte ng dalaga.
"So, what do you wanna tell me?" he uttered. Ang leeg naman nito ang pinagdiskitahan niya.
Nakita niya ang kuwintas na ibinigay sa dalaga. "Beautiful." Napangiti siya at hinalikan ito.
"A-ano kasi . . . may lalaki kanina sa palasyo."
Napatigil si Midnight at napaangat ang tingin kay Erienna. "What?"
"Siya ang tumulong sa 'kin para maalala kita."
Napakunot-noo si Midnight. A guy, huh? Sa pagkaalala niya, wala naman siyang pinapasok na lalaki kanina.
Hindi maganda kaniyang kutob dito.
"Can you tell me what he looks like?"
"Ahm . . ." Tinuro ni Erienna ang kanyang mga mata. "His right eye was purple and--"
"Fuck!" Hindi pa natatapos ng dalaga ang sasabihin niya ay napamura na si Midnight.
It was a Havoc! Papaanong nakapasok ito ng palasyo at hindi man lang niya ito naamoy?
BINABASA MO ANG
Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)
WerewolfCredits to @_Athena_ who made this wonderful cover ❤️ A destined. A king. And a forgotten past. Erienna, who is still haunted by her parent's death, is thrown out by her abusive aunt. It's an eventful night when she decides to follow a puppy into th...