Kabanata 18

4.2K 205 51
                                    

"CHILL, mademoiselle."

Nilingon ni Erienna si Fenrys. Akala niya'y nakatingin ito sa kaniya ngunit nakikipagsukatan pala ito ng tingin kay Oli.

Nasa loob na sila ng palasyo at kanina pa siya pabalik-balik ng lakad. Hindi siya mapakali. Nag-aalala siya na baka hindi humantong sa pagkakaintindihan ang pag-uusap nina Midnight at Rauis. Tinignan niya ang mga Havoc at Knights. Kalmado na ang mga mukha nito, hindi kagaya kanina na para bang gusto nang patayin ang isa't isa.

Nagtataka siya kung bakit parang siya lang ang nag-aalala.

"Fenrys, okay lang kaya sila?" tanong niya habang napapasilip sa nakasarang pintuan patungong hardin. Hindi tuloy niya makita ang dalawa.

"Of course. You don't need to worry," kampanteng sagot nito.

Napatingin naman siya sa tainga ng lobo at nakatuon ang atensyon nito sa pintuan na para bang may pinapakinggan. Ganoon din ang ginagawa ng iba pang mga lobo.

Kamuntikan na siyang mapatampal sa kaniyang noo. Oo nga pala, malakas nga pala ang pandinig ng mga nito. Kaya pala kampante lang ang mga ito. Ba't hindi niya kaagad napagtanto iyon?

Umupo na lang si Erienna habang kinakalikot ang kaniyang mga daliri. Ilang sandali pa, nakarinig siya ng mga yabag na papalapit sa kanila. Napalingon siya at nakita ang kaniyang kuya.

Agad na napakunot ang kaniyang noo dahil hindi niya makita si Midnight. Sumilip pa siya sa bandang likuran nito ngunit walang lobo ang nakasunod kay Rauis.

"Nasaan si Midnight?" taka niyang tanong.

"Ah--" hindi natapos ng kaniyang kapatid ang sasabihin nang mapunta ang tingin nito kay Fenrys.

"I'm sorry, white wolf."

"Yeah, yeah. Narinig ko na 'yan kanina."

Pumagitna naman siya sa kanila at hinarap ang kuya niya. "Sagutin mo 'ko, Kuya. Nasaan si Midnight? Anong nangyari sa pag-uusap niyo? Nakinig ba siya sa 'yo?"

"Ang dami mong tanong, Eri." Napalingon siya kung saan nanggagaling ang baritonong boses. Nakapamulsa itong naglakad papunta sa kanila.

Napakamot naman siya sa kaniyang ulo. Nagpalit lang pala ito ng anyo.

Lumapit ito sa kanila at tinignan ang mga Havocs.

"The rooms are in the second floor. I'll tell Meira to deliver you all some dresses." Lumingon ito sa kanan kung nasaan ang mga Knights. "You may go now, but make sure to be here at four in the morning."

Tumango naman ang mga ito at bahagyang yumuko.

"And you." Napunta ang tingin ni Midnight sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit madilim ang mukha nitong nakatingin sa kaniya.

Galit ba ito?

Hinawakan siya nito sa pulso at hinila siya paalis sa mga Havoc at Knights. Halos matisod na siya sa bilis nitong maglakad. Binitiwan lang siya ng lalaki nang makapasok sila sa kuwarto.

"Midnight--"

"So, you're a Havoc?"

Natigilan siya sa sinabi nito. Mas lalo pa siyang naestatwa sa kinatatayuan niya nang lingunin siya nito. Walang kaemo-emosyon ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.

"Tell me, Erienna. You are a Havoc."

Nanginig siya nang tawagin nito ang pangalan niya nang buo. Pakiramdam niya'y binuhusan siya ng tubig dahil sa lamig ng boses ng lalaki. Kaya ba ganoon na lang makatingin ito sa kaniya kanina? Galit ba ito dahil isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian nito?

Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon