"WE are siblings."
Rauis saw how Erienna's face turned into a bewildered awe. Kumunot ang noo at binigyan siya ng nakapagtatakang tingin.
He smiled at the back of his head.
She really looked like Mom.
He heaved off a deep sigh when Erienna shook her head. Well, what did he expect? Hindi siya paniniwalaan nito. He knew from the very beginning that telling her little sister wouldn't be enough. He needed proof.
Napaisip siya kung anong maaari niyang gawin para paniwalaan siya nito.
"'Wag ka ngang mag-imbento. Wala akong kapatid!"
Hearing those words pained him. It seemed like his mom and dad never told Erienna about him. Pero kahit na ganoon, hindi siya nagtanim ng galit sa mga ito. He never hated them.
Hindi rin naman kasi niya masisisi ang mga magulang niya.
"Eraia Lin and Reece Visandra."
Natigilan ang dalaga sa sinabi niya. He thought it would be better if he started off from their names.
Tumayo siya sa pagkakaupo sa lamesa at nilapitan ang dalaga.
"Erienna." Sinubukan niya itong hawakan pero tinabing ito ng dalaga.
"Lumayo ka sa 'kin! Sa tingin mo ba 'pag sinabi mo ang mga pangalan nila ay maniniwala na kaagad ako sa 'yo?"
Napabuntonghininga ulit siya. "Will you please listen to me first?"
Pero umiling ito at agad na tinalikuran siya. "Ayoko, baka kung ano pang gawin mo sa 'kin."
Napahilamos na lang siya sa kaniyang mukha. His little sister and her stubbornness. Hindi niya talaga binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag ang isang tao.
"Wala akong gagawing masama sa 'yo, okay? And we're not your enemy here."
"Anong hindi? K-in-idnap niyo nga 'ko, e. Kinuha niyo 'ko kay Midnight!" asik nito habang nakatalikod.
Mukhang wala nga talaga itong plano na makinig sa kaniya. She left him no choice but to use one of his abilities. Ito na lang ang paraan para paniwalaan siya ng dalaga. Kung hindi makikinig si Erienna, ipapakita na lang niya.
"Will you let me show you my memory?" tanong niya dahilan para mapalingon ito sa kaniya.
"Ano?" Halata sa mukha nito ang pagkalito. "Paano mo naman gagawin 'yon?"
He smiled at her. Mukhang nakuha na niya ang atensyon nito. "Remember what I did on the library?"
Mukhang na-gets naman ng dalaga ang ibig niyang sabihin kaya humakbang siya papalapit dito.
"Teka lang." Iniharang nito ang dalawang kamay. "Paano ako makasisiguro na alaala mo nga 'yong ipapakita mo?"
"My ability don't tell lies. It only shows memory." He smiled at her again.
Hindi naman sumagot si Erienna. Napalunok ito at mukhang kinabahan. Humakbang pa siya palapit at pinaglapat ang noo nila.
"Don't worry, it won't hurt you," he said, assuring his little sister.
He closed his eyes while concentrating. Pinatili niyang kalmado ang kaniyang sarili habang unti-unti nang nararamdaman ang kakaibang bagay na dumaloy sa iba't ibang parte ng katawan. Parang tinusok ng isang daang karayom ang kaniyang ulo sa sobrang hapdi nang makarating ito sa kaniyang utak.
He felt his body numbed and memories started flashing from his mind.
"Reece, look! His eyes."
Warm smiles from two persons greeted him as he opened his eyes. Isang araw pa lang matapos siyang ipinanganak, nakakakita na kaagad siya. Naunawaan na rin niya nang mabuti ang lenggwaheng ginagamit nito na para bang napag-aralan na niya no'ng nasa sinapupunan pa lang siya.
BINABASA MO ANG
Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)
WerewolfCredits to @_Athena_ who made this wonderful cover ❤️ A destined. A king. And a forgotten past. Erienna, who is still haunted by her parent's death, is thrown out by her abusive aunt. It's an eventful night when she decides to follow a puppy into th...