"HEALING Ability. Every wound, bruises or scratch will instantly heal by kissing the injured creature. Take in mind that the ability must be used only for light to moderate damages. If a wolf tries to heal someone who's life on the line, still, it will recover instantly. However, there are side effects. It's either the injured creature will lose some part of its memory or some part of its senses won't function well. Only the male wolves can perform the said ability and it will only work on their mates."
Napataas ang kilay ni Erienna pagkatapos mabasa ang huling bahagi. Will work only on their mates? How come? E, palagi nga itong ginagawa ni Midnight sa kaniya.
Unless . . .
Napailing si Erienna sa kaniyang naisip. Siya ang kabiyak ni Midnight? Imposible naman ata iyon. Paano magiging kapares ng lobo ang isang normal na kagaya niya?
Nalilito siya habang nakatitig pa rin sa libro. Inilipat niya ito sa kabilang pahina sa pag-aakalang makakahanap siya ng sagot sa kaniyang mga katanungan subalit isang larawan ng kuwintas ang bumungad sa kaniya. May palawit itong buwan na katulad ng sa kaniya.
Ares' Necklace. Made by Magnus Ares, the first king of Raeon, for his mate, Nia Acantha. It symbolizes eternal bond and was meant to be passed on the mate of the future kings.
Mas lalong nalito si Erienna. Imbes na makakuha ng sagot, mas dumami pa ang mga katanungang tumatambak sa kaniyang isipan.
Pero si Mommy ang nagbigay nito sa 'kin.
Pilit niyang inalala kung paano ito binigay sa kaniya, kung saan at kailan ngunit kahit na katiting man lang na alaala ay wala. Ang tanging alam lang ng kaniyang isip ay binigay ito ng ina bukod pa roon ay wala na. Parang itinatak lang ito sa kaniyang isipan upang mabigyan ng dahilan ang pagkakaroon niya ng kuwintas.
Ngayon lang niya napagtanto na wala siyang maalala no'ng bata pa siya. Nagka-amnesia ba siya pagkatapos ng aksidente? Bakit walang binanggit ang kaniyang Tiya Silva?
"Ah!" Napadaing si Erienna nang biglang kumirot ang kaniyang ulo. Parang karayom na tinusok ito nang paulit-ulit kaya napapikit siya sa sakit.
May lumalabas sa kaniyang isipan ngunit hindi niya maipaliwanag kung ano ito. Malabo ang mga imahe at hindi rin niya maunawaan ang mga boses na naririnig niya sa tainga.
Napasabunot siya sa kaniyang buhok. Pakiramdam niya'y mabibiyak na ang kaniyang ulo sa sobrang sakit.
"Nahihirapan ka bang makaalala?" Napaangat ang kaniyang tingin nang biglang may nagsalita. Agad niyang hinanap kung saan nanggaling ang boses. Napakamalumanay nito na para bang pinapakalma siya.
Ikatlong shelf mula sa kaniya, may nakatayong lalaki at nakatingin ito nang diretso sa kaniya. He was wearing a black robe while not wearing anything to cover his feet.
Napalaki ang kaniyang mga mata.
It was the guy with heterochromatic eyes and again, Erienna felt her heart throbbed in pain. Parang pinipiga sa sakit ang kaniyang puso sa tuwing masisilayan niya ang mukha nito. Ano bang mayro'n sa kanya't bakit palagi siyang nakakaramdam ng lumbay sa tuwing nakikita ito? At paano ito nakapasok sa palasyo?
"Sino ka?"
Imbes na sumagot ay nginitian lang siya ng lalaki.
Isang malungkot na ngiti.
Hindi pa nakakakurap si Erienna ay nasa harapan na niya ang lalaki. Sobrang lapit nito sa kaniya kaya napaatras siya.
"Let me help you remember him." Hinawakan ng lalaki ang magkabila niyang pisngi at pinaglapat ang kanilang noo.
BINABASA MO ANG
Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)
WerewolfCredits to @_Athena_ who made this wonderful cover ❤️ A destined. A king. And a forgotten past. Erienna, who is still haunted by her parent's death, is thrown out by her abusive aunt. It's an eventful night when she decides to follow a puppy into th...