Kabanata 6

6.3K 315 168
                                    

ERIENNA woke up feeling the warmth around her. Gising na siya pero ayaw niya paring imulat ang mga mata. Imbes na bumangon, isiniksik niya ang kaniyang katawan sa malambot at mainit na bagay na nakapalibot sa kaniya.

Napangiti siya at ipinulupot ang kaniyang braso sa pag-aakalang unan ito. Kumunot ang noo ng dalaga nang mapansing gumagalaw ang unan. Kailan pa natutong gumalaw ang unan?

Iminulat niya ang mga mata at nasilayan ang isang lobong mahimbing na natutulog katabi niya.

"Midnight?" ani niya at napatakip bibig.

Napabangon siya at inikot ang buong paligid. Nakita niya ang mga nakakalat na mga bulaklak na hindi niya natapos i-arrange kagabi.

Nakatulog pala ako rito.

Napakamot siya sa kaniyang ulo at ibinaling ang tingin kay Midnight. She traced the mark of his scar down to his nose. Hinaplos niya ang makapal na balahibo pero agad ding napatigil nang may ideyang pumasok sa isipan niya.

"Hmm . . ." Napansin ni Erienna na may kahabaan na ang mga balahibo nito.

Napangisi siya sa naisip.

She patted Midnight's head. Tumayo at tinungo ang daan papuntang kusina. Naabutan niya ang mga katulong doon na nagluluto, binati naman niya ang mga ito.

"Good morning!"

"Good morning din po, Miss Erienna."

Kumuha siya ng gunting at dali-daling bumalik kung saan natutulog si Midnight.

"Iti-trim ko lang ang balahibo mo, okay?" mahina niyang sabi at nakakalokong tinignan si Midnight.

Inumpisahan na niya ang paggupit sa balahibo sa walang kamuwang-muwang na lobo. Magmula sa leeg nito patungo sa katawan at sa mga paa. Nagkalat na tuloy ang mga balahibo sa sahig. Masyadong masarap ang tulog ng lobo kaya hindi nito napansin ang pinaggagawa niya.

Nang matapos, tinignan niya ang kabuohan nito. He looked cute. Pinanggigilan niya naman ang leeg nito.

Midnight groaned. Agad niyang tinago ang gunting sa kaniyang likuran nang magising na ito.

"Morning hehe," bati niya pero kinunutan lang siya nito ng noo.

"Are you hiding something?" ani nito at pilit na sinisilip ang kaniyang likuran.

Umiling siya.

Tumayo ang lalaki at doon lang nito napansin ang mga balahibong nakakalat.

"What did you do?" Agad na nagsalubong ang kilay ni Midnight at sininghalan siya.

"I just gave you a trim," sagot niya at pilit na iniiwisan ang matatalim nitong mga tingin.

"Eri!" Midnight growled.

Nagulat siya sa itinawag ng lobo sa kaniya at hindi niya alam kung bakit kumabog bigla ang kaniyang puso.

"Sino ka para bigyan ako ng nickname, ha?!" singhal niya rito at sinalubong ang mga tingin nito.

"At sino ka rin para bigyan ako ng trim?"

Erienna crossed her arms showing off the scissors she used to cut his fur. Napasimangot siya sa lobo. Imbes na magalit ito, ba't 'di na lang ito mag-thank you sa kaniya, 'di ba? After all, she made him look cute.

Lumapit ito sa kaniya at marahas na kinuha ang gunting sa kamay gamit ang bibig nito. Umalis ito sa harapan niya at padabog na naglakad palayo. Naiwan siyang mag-isa kaya niligpit muna niya ang mga bulaklak at mga balahibo ni Midnight na nakakalat sa sahig bago pumunta sa kaniyang kwarto.

Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon