Kabanata 16

4.3K 187 13
                                    

"AKIN na 'to." Gamit ang kutsilyo ay tinusok ni Erienna ang natitirang karne na niluto ng kuya niya.

"Greedy, eh?" nakasimangot na saad ni Oli.

"Mahimik ka nga, Oli. Isa ka rin, e. Halos ilamon mo na nga lahat ng karne sa bunganga mo!" bulyaw ni Van.

"Kay liit-liit pero ang laki ng bibig," sabi pa ni Steven habang napapailing.

Natawa naman si Erienna sa kanila. Nag-anyong tao na ang mga ito. Si Van ang pinakamalaki sa kanila habang si Oli naman ang pinakamaliit. Magdadalawang linggo na siyang nananatili sa Blaitheria at sa dalawang linggong 'yon, wala siyang ginawa kundi pisilin ang matabang pisngi ni Oli.

"Don't you dare!" banta sa kaniya ni Oli nang aabutin niya na sana ang pisngi nito.

Napangiti na lang si Erienna. Hindi naman pala talaga sila masama, mapaglaro nga lang.

Tumayo siya at lumapit sa kaniyang kapatid. Nakadungaw ito sa bintana habang pinagmamasdan ang buwan.

"Ah, K-Kuya," nahihiyang saad niya. Kahit magdadalawang linggo na matapos ipakita ni Rauis sa kaniya ang lahat ay naiilang pa rin siya na tawagin itong kuya.

Nilingon siya nito. "Hmm?"

"Gusto mo?" alok niya sa karne pero umiling lang ito at nginitian siya.

"Sa 'yo na lang. I know it's still not enough for you."

"Anong--" Napakurap si Erienna. Anong tingin nito sa kaniya? Patay gutom?

"Kung ayaw mo, 'di wag." Inirapan niya ito at agad na kinagat ang karne.

Napatawa naman si Rauis at ginulo ang kaniyang buhok. Natutuwa siya sa tuwing ginagawa ito sa kaniya, naaalala niya kasi ang kaniyang ama. Her father used to do that to her.

Kung dati ay nalilito siya, ngayo'y nauunawaan na niya kung bakit nasasaktan siya sa tuwing masisilayan ito. Kung bakit hindi niya magawang magalit kahit na harap-harapan nitong sinaksak si Fenrys.

Dahil kapatid niya ito. No wonder those eyes were familiar to her. Nakita niya na pala ito dati. Si Rauis ang nagligtas sa kaniya sa nangyaring aksidente na pinlano pala ng kaniyang tiya.

Sa tuwing mapapaisip siya sa kaniyang Tiya ay hindi niya mapigilang kasuklaman ang sariling tiyahin. Hindi siya makapaniwala na bukod sa pambubugbog, kaya pala nitong pumatay ng sariling kadugo.

Ang kaniyang tiya ang puno't dulo kung bakit nasira ang pamilya nila. Kung bakit nailayo si Rauis at namatay ang kanilang mga magulang. Pati ang kaharian na dapat ay sa kanila, kinuha nito.

Matapos ipakita ng kaniyang kapatid ang buhay nito, ikinwento rin sa kaniya ang nangyaring labanan sa pagitan ng Raeon at Blaitheria. Nangyari ito pagkatapos ng aksidente sa kaniyang pamilya. Hindi pa nakuntento ang kaniyang tiyuhin at pinlano pa itong sakupin ang nananahimik na Raeon.

Nasawi ang kaniyang tiyo sa labanan kaya si Silva ang pumalit sa trono.

Napaisip naman si Erienna. Doon kaya nakuha ni Midnight ang peklat nito? Kaya ba wala na itong mga magulang dahil nasawi sa nangyaring labanan noon?

"Kuya." Nilingon niya si Rauis. "Puwede bang ipakita mo rin sa akin ang alaala ko?"

Hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik ang memorya niya. Kahit marami na siyang nalaman, hindi pa rin niya magawang maalala ang nakaraan niya.

Ipinatong nito ang kamay sa kaniyang ulo. "I don't have to. Babalik din naman ang alaala mo sa tamang panahon."

"At kailan naman 'yon? Gusto ko nang maalala ngayon, Kuya," pamimilit niya pero nginitian lang siya nito at ibinalik ang tingin sa bilog na bilog na buwan.

Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon