AGAD na humiwalay si Erienna nang mapagtanto ang kaniyang ginawa. Masyado siyang nawili sa paghawak sa makapal at malalambot nitong mga balahibo. Kung bakit ba naman kasi sobrang hilig niya sa mga hayop, ayan tuloy, kamuntikan na niyang makalimutan na isang taong lobo pala ang kaharap niya.
Nag-tsk lang si Midnight at binugahan siya nito ng hangin sa mukha.
"Anong--" palag niya at gulat na tinignan ang lalaking lobo. "Bakit mo ko hiningaan?!"
"I just want to."
Sinamaan naman niya ito ng tingin. Hindi naman mabaho ang hininga ng lobo pero naiinis siya dahil hindi niya ma-gets ang mga pinaggagawa nito. Nang-aasar ba ito? Nan-t-trip? O sadyang 'di lang talaga naturuan ng manners?
Pansin naman niyang nakatitig ito sa kabuohan niya. Nagtama ang tingin ng isa't isa at sa 'di maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ng pagkailang si Erienna. Hindi niya kayang salubungin ang bughaw nitong mga mata. Pakiramdam niya'y matutunaw siya sa mga titig nito.
"You look awful." Humakbang palapit sa kaniya si Midnight.
"Your dress looks so terrible and your hair. . ." he paused and sniffed her. "Stinks."
She flinched after hearing Midnight's words. Napakagat siya sa pang-ibabang labi dahil sa inis. Ramdam din niya ang unti-unting pag-init ng kaniyang mga pisngi. Hindi niya inakala na lalabas iyon sa bibig ng lalaki.
Kasalanan ba niyang mukha siyang gusgusing bata sa harapan ng binata?
"Sorry, ha? Hindi naman po kasi ako na-inform na bigla akong dadakipin ng isang lobo, 'di tuloy ako nakapag-ready ng mga damit!" hindi niya napigilang maging sarkastiko sa harapan ng lalaki. Pakiramdam niya ay lalabas na ang usok sa butas ng kaniyang ilong dahil sa sobrang inis.
"Don't talk back at me like that." Midnight threw a death glare at her. Pero imbes na matakot ay inirapan niya lang ito.
Midnight kneeled in front of her that made her eyebrows arched.
"Sakay."
"Huh?"
"Sumakay ka na lang," matigas nitong sabi at inungulan siya. Napalunok naman si Erienna at dali-daling sumakay sa likuran nito.
Ramdam ni Erienna ang init ng katawan ni Midnight dahil sa makapal nitong mga balahibo. Hindi niya mapigilang hindi ito haplusin. Napunta ang mga tingin niya sa tainga na kanina pa galaw nang galaw na para bang pinapakinggan nito ang buong paligid.
She pinched his ears that made him shook his head in irritation. Napatawa naman siya nang mahina.
"Cut that and hold on to me tight."
"Are we going somewhere?"
Imbes na sumagot si Midnight at dumungaw sa ibaba ng terrace. Magsasalita pa sana siya pero bigla na lang itong tumalon kaya napahiyaw siya nang malakas at agad na napayakap sa taong lobo. Napapikit siya dahil sa hanging tumatama sa mukha. Para na ring luluwa ang kaniyang puso sa sobrang bilis ng tibok.
Hindi man lang siya binigyan ng warning ni Midnight at ang tansiya niya, limang palapag ang taas ng itinalon nila.
Isang malakas na kalabog ang nilikha ng lalaki nang makatungtong ito sa lupa. Napabukas ang kaniyang mga mata at nakangangang dumaosdos pababa habang hawak-hawak ang kaniyang puso.
"Akala ko mamamatay na ako." Habol-habol niya ang paghinga habang nakasandal kay Midnight.
Pakiramdam niya'y na-misplace ang ilang organ niya sa katawan. Napaangat ang kaniyang tingin at halos hindi na niya maitikom pa ang bibig nang makita kung gaano kalaki at kataas ang palasyo ni Midnight.
BINABASA MO ANG
Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)
WerewolfCredits to @_Athena_ who made this wonderful cover ❤️ A destined. A king. And a forgotten past. Erienna, who is still haunted by her parent's death, is thrown out by her abusive aunt. It's an eventful night when she decides to follow a puppy into th...