PASIPOL-SIPOL lang ang lalaki habang nakasandal sa pintuan ng kuwarto ni Midnight. He was playing with his blond hair while waiting for the two Knights to stop from fighting. Pati na sa mga tunog na nababasag na nagmumula sa kuwarto ng kanilang pinuno.
"Ba't 'di na lang ikaw 'yong pumasok total ikaw naman nakaisip?"
"Heck, ayoko pa na mamatay, 'no!"
Napangiwi na lang siya. Maingay na nga sa loob dumagdag pa ang dalawa.
"Will you two stop?" sabi niya habang nakatingin kina Dago at Lelo.
Nilingon naman siya ni Dago. "Manahimik ka nga, Yves. Ba't 'di mo na lang kaya katukin 'yan nang makaalis na tayo?" At tinuro ang pintuan.
"Do it yourself then!" singhal niya sa kausap.
Kung sila takot, mas lalo naman siya. Alam niyang highblood ngayon si Uno at baka 'pag ginawa niya 'yon, e, siya pa ang mapagbuntungan ng galit nito.
"Galit pa rin ba si Kuya Uno?"
Napunta ang kaniyang tingin kay Leven. "Medyo but just wait, okay? We will try to talk to him." Nginitian niya ito at ginulo ang buhok.
Isang malungkot lang na ngiti ang tinugon nito. Kahapon pa 'to pabalik-balik at nagpapasama sa kanila sa palasyo. Hindi pa sraw ito nakapagpapasalamat kay Uno kaya gusto nitong makausap ang kanilang pinuno. The little wolf felt guilty after knowing that Erienna had been kidnapped.
---
NAPAUPO na lang si Midnight matapos sipain ang natitirang vase. Isang linggo na ang lumipas at ang kaniyang kuwarto ay para nang dinaanan ng bagyo sa sobrang gulo. Punong-puno ng mga kalmot ang pader at kabinet niya. Ang tela rin ng kaniyang kama ay humalo na sa mga basag na vase na nakakalat sa sahig.
He ruined everything he could ruin yet his anger not seemed to subside. Sa tuwing nakakahawak siya ng bagay, mas lalo lang umiigting ang galit na nararamdaman niya.
"Damn." Napasapo siya sa kaniyang mukha.
Wala siyang ibang sinisi kundi ang kaniyang sarili. He scolded himself for not being good enough. If only he got there sooner, Erienna and Lenox wouldn't had been kidnapped.
If only he could have done better.
Dapat na siyang mag-isip ng plano subalit walang pumapasok sa isip niya. Hindi naman siya puwedeng sumugod na lang basta-basta dahil baka malagay pa sa panganib ang nasasakupan niya. He was thankful enough that none of his wolves got injured except for Fenrys.
Hindi niya magawang pakalmahin ang sarili kaya hindi rin siya makapag-isip nang matino. He was mad at the same time worried. Nag-aalala siya sa kalagayan ni Erienna at Lenox. Sa ngayon, wala siyang ibang magawa kundi hilingin na sana'y maayos ang kalagayan ng dalawa.
"Ikaw na kumausap, dali na!"
"Ayoko nga sabi, e. Ba't mo ba ako pinipilit, ha?"
Napapikit si Midnight habang hinihilot ang kaniyang sentido. Masakit na nga ang ulo niya sa mga nangyari, dumagdag pa ang mga ingay sa labas.
"Just knock the door, guys."
"Inuutusan mo ba kami? Mas malapit ka sa pinto, ikaw na lang gumawa."
Huminga siya nang malalim bago tinungo ang pintuan. Pagbukas niya, agad na sumalubong sa kaniya ang gulat na mukha ng mga Knights.
"U-Uno."
"What do you want?"
Nagse-senyasahan pa ang dalawa habang si Yves na nasa harapan niya ay iniiwasan ang mga titig niya.
BINABASA MO ANG
Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)
WerewolfCredits to @_Athena_ who made this wonderful cover ❤️ A destined. A king. And a forgotten past. Erienna, who is still haunted by her parent's death, is thrown out by her abusive aunt. It's an eventful night when she decides to follow a puppy into th...