Kabanata 25

4.6K 194 42
                                    

LIMANG araw na ang nakalipas pagkatapos ng nangyaring labanan. Nanatili muna sila sa Blaitheria hanggang sa gumaling ang iba nilang kasamahan. Nakangiti ngayon si Erienna habang nasa terrace ng palasyo kung saan tanaw na tanaw niya ang buong Blaitheria.

Nabawi na rin nila ang kaharian. Ang kaniyang kapatid na ang namumuno. Pinalaya rin ni Rauis ang lahat ng mga ikinulong na Havoc.

Iba't ibang reaksyon ang nakuha nila nang nalaman ng buong Blaitheria na sila ang anak ng pinunong Reece--ang kanilang ama. Na buhay pala ang akala nilang pinatay na anak nito. May ibang hindi makapaniwala, natuwa at naiyak sa sobrang pasasalamat.

Si Silva? No'ng gabi ring iyon ay kinuha nila ang bangkay nito at inilibing.

"Hi, mademoiselle!"

"Ay, lobo!" Napaigtad siya nang biglang sumulpot si Fenrys sa tabi niya.

"Bakit mag-isa ka lang? Where's Uno?" tanong nito. Napapikit ito dahil sa hanging sumalubong sa mukha at napasuklay pa sa maputi nitong buhok.

Napailing na lang siya. "E, ikaw? Nasaan si Ana?"

"Tsk. Even just hearing her name pisses me off," saad nito at napasimangot. "Don't ask me. Wala akong pakialam sa kaniya."

Pfft. Kahit kailan talaga ang dalawang 'to. Wala talagang araw na hindi nag-aaway.

Nasaan na ba kasi si Midnight?

Medyo nababagot na rin siya kakahintay dahil kanina pa ito pumasok sa isang silid kasama ang kaniyang kuya. Nag-uusap kasi ang mga ito patungkol sa muling pagkakaisa ng Raeon at Blaitheria.

Plano ni Erienna na pumunta sa mundo ng mga tao upang puntahan si Aling Using. Na-mi-miss na niya ito at nais niyang pormal na magpaalam dito. Hindi pa man din siya nakapagpaalam noon, baka labis na itong nag-alala sa kaniya. Ilang buwan na rin ang nakalipas nang makarating siya rito dahil lang sa isang aso.

Nasaan na kaya si Kibi? Hindi niya pala ito nahanap at hanggang ngayon hindi niya alam kung ano nang nangyari sa tuta.

"Eri."

Napalingon siya. "Buti naman at tapos na kayong mag-usap."

Ngumiti lang ito sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo matapos makalapit. "And now, ikaw naman daw ang kakausapan niya."

"Ha? Bakit daw?" pagtataka niya.

Midnight just shrugged and gestured his hand. Ngumiwi lang si Erienna at naglakad papunta sa silid kung saan naroroon ang kapatid.

"Kuya, bakit?" Napakunot pa ang kaniyang noo dahil napapalibutan ng kurtina ang buong sulok ng silid. Nilapitan niya si Rauis na nakaupo sa kama.

"May sasabihin ka ba?"

"Midnight told me pupunta kayo sa mundo ng mga tao?" mahinahong tanong ni Rauis.

Tumango siya bilang sagot.

Ngumiti naman ang kaniyang kuya. "Could you bring this for me?"

"Ang alin?" nalilitong tanong niya at tinaasan ng kilay ang kaniyang kuya.

She was startled when Rauis suddenly whistled. Magsasalita na sana siya nang may marinig siyang mga tahol.

Huh?

Kaagad siyang napalingon sa kaniyang likuran at napatakip sa bibig. Sa likod ng mga kurtina ay lumabas ang isang maliit na aso at patakbong nagtungo sa direksyon nila.

"Kibi!" napatili siya sa tuwa at dali-dali itong binuhat. Dinilaan naman siya ni Kibi bilang pagbati. Pansin niyang medyo lumaki rin nang kaunti ang aso.

Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon