Kabanata 12

4.5K 197 60
                                    

"ARES."

His jaw tightened. He stepped back, lowering his body while gazing at the seven black wolves. Hinanda niya ang kaniyang sarili kung sakali man na atakihin sila nito.

"Kung sinuswerte ka nga naman. Ang pinuno pa ng Raeon ang nakasalubong natin," sabi ng lobo na nasa gitna. Siya rin ang pinakamalaki sa kanila.

Tinitigan niya ang mga mata nito. Hindi ito ang tinutukoy ng mga Knights.

Tanging angil lang ang sinagot ni Midnight habang nakatingin pa rin sa mga ito.

Napahagikhik ang lobo na nasa kanan nito habang sinusulyapan ang mga troso. "Cheap trick, eh? 'Yan lang ba ang kayang isipin ng makikitid niyong mga utak?"

Siya ang pinakamaliit sa kanila pero mukhang siya pa ang pinakamayabang.

"Bakit 'di na lang kayo sumuko at magpaalipin sa 'min?"

Those lines insulted him. He was about to answer when he heard a scraping sound. Napalingon siya sa kanang bahagi at nakita si Fenrys na marahas na kinakalmot ang lupa. Showing off his sharp teeth meant that he, too, was damn pissed.

"Ang baho niyo, especially you!" Fenrys snarled at the smallest of the seven.

Kita niya kung paano nalukot ang mukha ng Havoc. Sumiklab ang galit sa mga mata nito. Fenrys insulting him meant that the battle was about to begin.

Tinignan muna nito ang kabuohan ni Fenrys bago sumagot.

"Ugly, eh? I'm gonna kill you!"

"Try me."

The Havoc jumped, trying to cross the river with his mouth wide open. Pero bago pa man ito makatapak sa lupa, agad siyang sinalubong ni Fenrys at ibinaon ang mga ngipin sa leeg nito. Isang malakas na ungol ang pinakawalan ng lobo. Kasabay nang pagbagsak nila ay ang pagtalsik din ng tubig sa ilog. Fenrys was on top of him still biting its neck. Sinubukang magpumiglas ng lobo kaya mas lalo pang diniinan ni Fenrys ang pagkakakagat sa leeg nito.

One of them started to move. Midnight settled his muscles on his legs. He sprinted towards Fenry's direction, turning around, he kicked the face of the Havoc who attempted to help his fellow.

Bago pa niya masilip kung saan ito tumilapon, may mabigat na bagay ang pumatong sa kaniya dahilan para mapasubsob siya. Napadaing siya nang tumama ang kaniyang panga sa bato. He tried to move but the Havoc's grip was too tight. Ramdam din niya ang mga kuko nitong bumabaon sa kaniyang likod.

"Hindi mo 'ko kaya, Ares," bulong nito sa kaniyang tainga.

Damn, Havoc!

He held his breath, gathering his strength to get up, he could feel his lungs burning. Midnight banged his head to the Havoc's jaw and he felt its grip loosened, grabbing the chance, he turned around and reached its neck.

The table had turned, he was now on top of the Havoc.

"Argh!"

His canine pierced the Havoc's neck. Blood flowed from his teeth, making his whole body burned. He remembered how these creatures ripped his Raeon before. His heart wanted to explode. The emotion he concealed for ten years started to arise. The lust in his blood to avenge his parents' death intensified throughout his body.

Diniinan niya pa ang pagkakabaon ng mga ngipin sa balat nito. Without thinking twice, he ripped the Havoc's flesh.

He licked the blood from his teeth, satisfying his whole being. He never felt this good before, like a king who defeated a monstrous creature ruling over an entire empire.

Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon