Kabanata 19

4K 165 36
                                    

NAPATAKBO si Erienna palabas ng palasyo at hinabol si Midnight.

"Midnight!"

"No, Eri," sagot ng lobo pagkaharap nito.

"Pero--"

"I said no."

Napasimangot siya dahil sa isinagot ng lobo na nasa harapan niya. Kanina pa siyang umagang nangungulit na sumama at magdidilim na ngunit ayaw pa rin siyang payagan nito. Nasa labas na sila ng gate at papaalis na kasama ang mga Knight at Havoc.

"Ayokong maiwan dito, gusto kong sumama."

"At ayoko ring may mangyaring masama sa 'yo kaya dito ka lang," wika nito habang nakatingin sa kaniya nang seryoso.

Sasagot pa sana siya pero sumabat naman ang kuya niya.

"Midnight's right. It's better for you to stay here."

"Oo nga, Miss Erienna," sang-ayon din ni Lenox.

"And it's dangerous there, mademoiselle," sabat din ni Fenrys habang dinidilaan ang buntot nito.

"Dangerous, eh? You look more dangerous to me," pang-aasar ni Oli dahilan para pasadahan ito ni Fenrys ng masasamang tingin.

"At least I'm not small like you, Oli-it!" ganti nito.

Oli growled. "You wanna fight, huh?"

"Enough," sinita ni Midnight ang mga ito bago pa mauwi sa labanan ang dalawa.

Napabuntonghininga na lang siya dahil wala yata ni isa ang gusto siyang isama. Nag-aalala lang naman siya. Natatakot siya na baka mapahamak sila. Ayaw niyang tumunganga na lang at hintayin na makabalik sila.

"Eri," tawag ni Midnight sa kaniya pero hindi niya ito pinansin sabay iwas ng tingin.

"Erienna."

Biglang may dumamping malamig na bagay sa pisngi niya kaya agad siyang napalingon kay Midnight.

Napahawak siya sa kaniyang pisngi. "Ano 'yon?"

Midnight leaned forward and pressed his nose on Erienna's cheek. Naramdaman ulit niya ang lamig na dumampi kanina.

Oh, it was his nose.

"You don't have to worry about us," he said while looking straight in her eyes, assuring her that nothing bad would happen to them.

Nagpakawala ulit siya ng malalim na hininga at niyakap ang lobo.

"Paano kapag napahamak kayo?" bulong niya.

"We'll be fine."

Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito. Kahit labag sa kalooban niya ang desisyon nito, wala rin naman siyang magagawa dahil pati ang kaniyang kuya ay ayaw rin siyang payagan.

"Mag-iingat kayo." Hinawakan niya ang ilang hibla ng balahibo nito.

"I love you."

Natigilan siya sa sinabi nito. Mas lalo niya pang isiniksik ang mukha dahil unti-unti na niyang nararamdaman ang init sa magkabilang pisngi. Bakit ba naman kasi iyon ang isinagot nito? Ayan tuloy, nagwawala na naman ang mga kalamnan niya sa tiyan.

Narinig niyang natawa si Midnight dahilan para mapasimangot siya. Una, hindi siya pinayagan at ngayon naman ay pinagtatawanan siya? Sumusobra na ata 'to, ah!

Napangiti naman siya nang madilim nang may maisip siyang ideya.

Gamit ang kaliwang kamay, hinaplos niya ang balahibo nito habang ang isa naman ay hinigpitan ang pagkakahawak sa mga balahibo. Nagbilang siya ng tatlo sa isipan, bago humiwalay sa yakap at marahas na hinila ang mga balahibo ng lobo.

Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon