Chapter 1 Age Does Matter... or Doesn't?

15.6K 550 63
                                    

"When you truly love someone age, distance, height, weight... is just a damn number."


Catleya POV


"Yes, dad." Tugon ko sa kausap ko sa telepono. "Susubukan ko pong makauwi ng maaga -"

"Huwag mong 'subukan', gawin mo." Maagap niyang kontra mula sa kabilang linya.

Kamuntikan na akong mapabuntong-hininga habang kausap siya, buti na lang at nakapagpigil pa ako.

"I will, dad." Ang tanging naisagot ko na lang para maiwasang ang mahaba na namang diskusyon.

"Very good." Tugon niya na tiyak kong nakangiti na ng mga sandaling iyon. "Okay, I won't hold you back any longer from what you were doing. Bye, hija. See you later."

"Bye, dad."

Pagkatapos kong makapagpaalam sa kanya ay agad na niyang ibinaba ang tawag. Noon ko pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigilan. Kasabay ng pagsandal ko sa swivel chair na aking kinauupuan ay isang napakalalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Napapikit ako habang hinihilot ko ang sariling sentido. Biglang sumakit ang ulo ko.

Death anniversary ngayon ng aking ina... ang totoo kong nanay. Wedding anniversary naman ngayon nina daddy Fred at mommy Helen... ang mga umampon sa akin.

Oo, ipinaampon ako ng aking sariling ama. Ibinigay sa ibang tao para sila ang magpalaki sa akin. No, hindi niya ako ibinigay. Ibinenta niya ako.

Hindi ko napigilan ang pagkuyom ng aking mga kamao ng maibaba ko ito sa armrest ng aking kinauupuan. Hindi ko rin napigilan ang pagdagsa ng sakit at hinanakit sa aking puso ng maalala ang araw na iyon... ang araw kung kailan nagbago ang lahat-lahat para sa akin...

"Simula ngayon, dito ka na titira." Ang sabi ni Helen pagpasok namin sa napakalaki nilang bahay.

Helen ang tawag ko sa kanya sa aking isipan dahil hindi ko naman alam kung ano ang itatawag ko sa kanya, kung anti o tita ba. Isa pa, ngayon ko lang sila nakitang dalawa. Malay ko ba kung totoo ngang kamag-anak namin sila.

"We will provide everything you need and anything you want." Ani naman ng asawa niyang si Fred.

Suot ang kupasin kong bestida, hindi man lang nakasuklay o nakapagmumog, umiiyak na hawak-hawak ko ang laylayan ng aking damit. Bahagya lang akong nagulat sa laki ng kanilang bahay, mas nananaig sa akin ang kagustuhang bumalik ng bahay namin.

"Gusto kong umuwi." Humihikbing sabi ko. Pagkatapos ay pumalahaw ako ng iyak at napakusot-kusot sa aking mga mata.

Agad-agad na napaluhod sa aking harapan si Helen at hinawakan ako sa braso. "Ayaw mo ba dito?" Malambing niyang tanong habang pilit na pinipigilan ang mga kamay ko sa pagkusot sa aking mga mata. Manaka-nakang pinupunasan niya ang mga luhang dumadaloy sa aking magkabilang pisngi gamit ang palad.

Napailing-iling ako habang umiiyak at kusot-kusot ang aking mga mata. "Gusto ko ng umuwi." Muli kong hiling.

"Please, huwag ka ng umiyak." Alo sa akin ni Helen. "Makikita mo pa rin naman ang tatay at kapatid mo."

Pagkarinig ko nito ay agad akong tumigil sa pag-iyak at humihikbing napatitig sa kanya. "Kahit anong oras ko gustuhin?" Inosenteng tanong ko. Tumango siya na may tipid na ngiti sa labi habang hinahaplos niya ang braso ko para pakalmahin. "Iuuwi niyo din po ako ngayon?" Muli kong tanong na dahilan ng pagkabura ng ngiti. "Mamaya?"

"Catleya..."

"Hay naku, Helen." Singit ng kanyang asawa. Sa tindig at tono ng pananalita nito ay maaaninag na isa siyang istriktong tao. 'Yong tipong hindi nababali ang anumang iniuutos. "Ba't di mo na lang diretsahin ang bata na ibinigay na siya ng tatay niya sa atin." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "At tayo na ang bago niyang mga magulang."

Montalban Cousins - HarperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon