Chapter 8 I Would Do Anything

10.9K 517 74
                                    

"What if I told you that one day you will meet a girl who is unlike anyone else you've known. She will know all the right things to say, what makes you laugh, what turns you on, what drives you wild and best of all, you will do for her exactly what she does for you."


Harper POV


Nag-angat ako ng tingin sabay napalinga-linga sa paligid pagkatapos ibinalik ang atensyon sa hawak na papel. Muli ko itong pinasadahan ng tingin at isinasaisip ang mga impormasyong nakalakip dito bago itinago ang naturang papel sa loob ng glovebox o glove compartment sa dashboard ng kotse.

"Let's go to work." Ani ko sa sarili tsaka kinuha ang folders na naglalaman ng flyers at application forms bago bumaba ng sasakyan.

May kaalinsangan ang hangin na sumalubong sa akin pagkababa ko ng sasakyan. Napapalinga-linga ako sa makipot na kalsadang kinapaparadahan ng kotse habang isinasara ko ang pinto nito.

Hindi naman siguro nila lolokohin o pagti-tripan ang sasakyan ko, mukhang hindi naman gano'ng klase ng tao ang mga nakatira dito. Isa pa, dito ko huling nakitang nakaparada ang sasakyan ni Catleya noong nakaraang araw.

May mangilan-ngilang tambay akong nakita sa gilid ng kalsada hindi kagaya noong unang punta ko dito. Nagsimula na akong maglakad, hindi ko inalintana ang mga matang nakamasid sa akin. May mga bata akong nakakasalubong, na imbes na nasa eskwelahan ng mga ganitong oras pero nandito sa lansangan, na ang iba ay naglalaro habang ang iba naman ay may tulak-tulak na kariton.

Hindi ko lubos maisip na dito ipinanganak at nagkaisip si Cat. I mean, look at her. Isa siyang ihemplo ng babaeng asensado at nasa rurok ng tagumpay sa larangan o propesyong napili niya.

Kinulit-kulit ko talaga ang pinsan ko para makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya. Noon ko nalaman na hindi pala sila in good terms ng nag-iisa niyang kapatid. At napatunayan ko 'yon base sa naabutan kong eksena no'ng nakaraan.

Gusto ko siyang tulungan. Kahit ano, gagawin ko para mapalapit sa kanya. At gagamitin ko ang pagkakataong ito para mapalapit kay Catleya.

Tumigil ako sa kabilang bahay, pagkatapos ng bahay nina Neri - ang kapatid ni Catleya.

"Tao po." Sabay katok sa gawa sa lumang plywood na pinto. "Tao po."

Nagpalipas ako ng ilang segundo para hintayin ang kung sino man para pagbuksan ako. At nang wala akong mahintay ay muli akong kumatok.

"Tao po." Mas nilakasan ko pa ng konti ang boses ko sabay katok sa pinto. "Tao po!"

"Wala yatang tao diyan."

Hindi natuloy ang muli ko na naman sanang pagkatok sa pinto ng marinig ang tinig na iyon. Mabilis akong nagbaling ng tingin sa babaeng kalalabas lang mula sa pinto sa kabilang bahay.

"Pero dito po nakatira si -" Binuklat ko ang hawak na folder para tignan ang pangalan ng dalagang nakatira dito. "Lorraine Isagani?"

Napatango siya habang puno ang kuryusidad na hinagod ako ng tingin. "Oo."

Napatango-tango ako sabay isinara ang folder at umalis na mula sa kinatatayuan. "Salamat." Sabi ko.

Napangiti siya ng tipid. "Ano nga pala'ng kailangan mo sa kaibigan ko?" Napakunot-noo ako sa tanong niya. "Kay Lorraine."

"Ah..." Naglakad ako papalapit sa kinatatayuan niya, sa labas lang mismo ng pintong nilabasan niya. "Aalukin ko sana siyang mag-apply ng scholarship." Tugon ko.

Napatayo siya ng diretso. "T-talaga?" Bigla siyang nagkaroon ng interesado sa sinabi ko.

"Oo." Sagot ko. "May staff kaming nagpunta dito kahapon, sa Barangay Captain ninyo, at humingi ng listahan ng mga pwede naming alukin ng scholarship." Saad ko.

Montalban Cousins - HarperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon