"Sometimes we do the wrong things for the right reasons."
Catleya POV
"Huwag na huwag ninyong papasukin." Mariing utos ko sa guard na tumawag sa akin, Biyernes ng umaga.
"Sige po, ma'am." Agad namang tugon ng kausap ko mula sa kabilang linya.
"Catleya!" Dinig na dinig ko ang pagtawag ni Harper na kasalukuyang hinaharang ng mga guards sa entrance ng gusali. "Akala ko ba okay na tayo?"
"Sige na," Sabay mabilis na napapikit na sabi ko sa kausap bago ibinaba ang tawag. "Flora." Bigkas ko habang iniaabot sa kanya ang cellphone kung saan tumawag ang guard mula sa ibaba.
Kinuha niya ang cellphone niya mula sa akin. "Okay lang po ba kayo, ma'am?" May simpatyang tanong niya sa akin ng parang nai-stress na napasandal ako sa kinauupuan at napahilot sa aking sentido.
"I'm fine, Flora. Thank you for your concern." Tugon ko habang nakapikit. "Nakaka-stress lang kasi ang batang 'yon." Tukoy ko kay Harper.
"Bata?" Nalilitong bigkas niya. "Hindi na naman po siya bata e. Sadyang malakas lang po siguro ang tama niya sa inyo."
Napamulat ako ng mata sa sinabi niya. "Malakas ang tama niya sa utak kamo." Napapailing na sabi ko na ikinatawa niya ng marahan.
"E ma'am, pasensya na po ha? Nahihiwagaan lang po kasi ako kung bakit ayaw niyo kay miss Montalban. Bukod sa kilala at napakayaman ng kanyang angkan, saksakan pa ng ganda." Komento niya.
Ako naman ngayon ang natawa ng marahan sa sinabi niya. "Are you okay, Flora?" Napapailing na sabi ko. "Mukha ba akong tomboy?"
Mabilis siyang napailing-iling bilang pagtanggi. "Hindi naman po ibig sabihin na pag pumatol po tayo sa kapwa natin babae ay tomboy na po tayo." Saad niya. "Sabi nga nila, love has no gender."
Napapangiting napailing-iling na lang ako.
"Tsaka po ma'am, sa panahon ngayon, hindi lahat ng magaganda ay guwapo ang hanap." Patuloy niya.
"Alright, Flora." Naa-amuse sa kanyang bigkas ko. "Go back to work."
"Ma'am, pag-isipan niyo po ang sinabi ko." Nakangiti na ring sabi ni Flora.
Bahagya akong napakunot-noo. "Ang alin?" Nalilitong tanong ko.
"That love has no gender." Tsaka dinampot ang planner na nasa ibabaw ng mesa ko at kinipkip ito. "And love has no age." Nakangiti ng makahulugang dugtong niya bago tumalikod na't tinungo ang pinto.
Nakangiting napapailing-iling na lang ako sa kanya. Kapagkuwa'y napabuntong-hininga ako habang natutulalang nakatingin sa screen ng laptop na nasa harapan ko. Bigla kasing pumasok sa isip ko ang sinabi ni Harper sa akin kahapon.
"You need me, Cat."
Para itong sirang plakang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko. Bumalik tuloy ang stress ko sa kanya. Akala ko pa man din matatakasan ko na siya. Akala ko pa man din sa wakas ay matatapos na rin ang pangungulit at panggugulo niya sa akin. Haist... ika nga nila, maraming namamatay sa maling akala.
Kaya naman hanggang sa pag-uwi ay nadala ko yata ang stress na nararamdaman. Naging tahimik ako sa harapan ng hapagkainan. Saka lang ako kumikibo kapag kinakausap ako nila daddy at mommy Helen.
"Uuwi pala si Kenneth ng Pilipinas next week." Hayag ni daddy ng patapos na kaming kumain.
Natigilan ako sa pagsubo. "Ano'ng nakain niya't bigla siyang uuwi?" Sarkastikong komento ko. "Nagsawa na ba siya sa buhay doon?"
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins - Harper
RomanceAge doesn't matter, some people say. Pero para kay Catleya, age does matter. Lalo na't ang nangungulit sa kanya ay ang batang Montalban. Well, definitely she's not a baby anymore but not quite a woman either. Harper Montalban - young, wild and free...