"To me, you are one miscalculation... the only one."
Catleya POV
"Neri." Bigkas ko ng makita siyang kasama si Harper habang kapwa pa tumatawa at may hawak na tig-isang softdrinks na nakalagay sa supot ng ice.
Napatayo ako ng diretso mula sa pagkakasandal sa gilid ng aking kotse. Mas pinili kong dito na lang siya hintayin kaysa sa pumasok na naman ako sa loob ng bahay nila. Isa pa, nakita ko kasi ang sasakyan ni Harper na nasa labas, kaya hindi na ako nagulat na makita silang magkasama. Ang ipinagtataka ko lang, bakit nandito si Harper? Tapos na ang misyon niya, di ba?
Makahulugan kong tinitigan si Harper. After what happened to us, tinapos ko na ang lahat, maging ang komunikasyon niya sa akin. Nagpalit ako ng cellphone number at mariin kong ipinag-utos na huwag na huwag siyang papapasukin sa loob ng kompanya. Kagaya kanina, hindi siya pinapasok ng guard ngunit nag-iwan daw ng bulaklak na mas pinili kong hindi tanggapin. Ibinigay ko na lang sa guard at sinabing ibigay na lang sa asawa nito.
Nabigla pa nga ako ng tinanong ni daddy kung anong ginagawa ni Harper Montalban sa labas ng gusali ng kompanya. Hindi ko alam na kilala pala niya ang mga Montalban, specifically, si Harper. Sabagay, sikat sila, may kaya, makapangyarihan, kaya naisip ko rin na kaya siguro sila kilala ni daddy. Sinabi ko na lang na baka may kakilala siyang nagtatrabaho sa kompanya. Buti na lang at hindi na siya ulit nag-usisa pa tungkol sa kanya.
"Neri." Muling bigkas ko sabay nagbaling ng tingin sa kapatid ko. "May mga dala akong groceries, iniwan ko na lang sa loob ng bahay niyo." Pagbibigay alam ko. "Natanggap niyo ba 'yong ipinadala kong supplies niyo ng maiinom na tubig?"
Oo, nagbibigay ako sa kanila ng mineral water. Naiinom naman ang tubig nila sa poso kaya lang mas safe pa rin na mineral water ang inumin nila.
Hindi siya agad nakasagot. Napasulyap pa nga siya sandali kay Harper bago ulit nagbaling ng tingin sa akin.
"Oo." Maikli niyang tugon na parang napipilitan pa.
Napangiti ako ng tipid sa kanya. "Buti naman kung ganon."
Namayani ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin.
"Hi." Masiglang bati ni Harper para basagin ang katahimikan, ngunit hindi ko siya pinansin.
Hindi pwedeng malaman ni Neri na magkakilala kami o kung may koneksyon man kami sa isa't isa.
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Harper tsaka nagbaling ng tingin sa kapatid ko. "Sino siya?" Tukoy niya sa akin.
Oh, thank God! Nakaramdam din ang bruha!
"Hindi mo siya kilala?" Tanong ni Neri kay Harper na para bang nagtataka pa kung bakit hindi ako nito kilala.
Muling napatingin sa akin si Harper bago napailing.
"Siya si Catleya Gonzales." Pormal ang mukhang pakilala ni Neri sa akin. Para pa ngang nang-uuyam ang tinig niya ng binanggit ang apelyido ko.
"Really?" Kunwari namang nagulat si Harper. "Kaya pala mukha siyang pamilyar."
Magaling siyang umarte, I commend her for that.
"Kaano-ano mo siya?" Tanong pang muli ni Harper dito. "Ano'ng ginagawa niya dito?"
Hindi agad sumagot si Neri. Pareho kami ni Harper na naghihintay sa isasagot niya. Kung aaminin ba niya dito kung sino ako sa buhay niya o ikakaila niya ako, na siyang madalas mangyari.
"Kapatid ko siya." Sagot ni Neri.
Lihim akong napasinghap sa narinig. For the first time, in-acknowledge niyang kapatid niya ako. Hindi ko napigilan ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa mga labi ko habang nakatitig kay Neri. Ito na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins - Harper
RomanceAge doesn't matter, some people say. Pero para kay Catleya, age does matter. Lalo na't ang nangungulit sa kanya ay ang batang Montalban. Well, definitely she's not a baby anymore but not quite a woman either. Harper Montalban - young, wild and free...