Chapter 21 Choosing Me

15.1K 807 291
                                    

"Love yourself enough to set boundaries. You teach people how to treat you by deciding what you will and won't accept."


Harper POV


"A penny for your thoughts?"

Awtomatiko akong napalingon kay mama Hailey ng marinig ko itong magsalita mula sa aking likuran.

"Ma." Bigkas ko sabay napatayo ng diretso mula sa pagkakasandal sa railing ng balkonahe, dito sa bahay ng aking mga magulang.

Lumapit siya sa akin at tinapik-tapik ako sa balikat. "Okay ka lang ba?" Puno ng simpatyang tanong niya sabay tumabi sa akin.

Nagkibit-balikat ako. "I'll be fine." May lungkot sa tinig na sagot ko.

Hindi siya agad sumagot at napatanaw sa malayo. "Give her time." Payo niya. "The woman has a lot issues than I thought." Komento niya patungkol kay Catleya. "Ibinenta siya ng tatay niya, niloko siya ng first and last boyfriend niya at kinokontrol ng adoptive father niya." Saad niya. "Give her time." Pag-uulit niyang sabi.

Napabuntong-hininga ako. "Maybe she doesn't really like me." Sabay napatanaw din sa malayong komento ko.

"You think so?"

Hindi ako sumagot, bagkus ay muli akong nagpakawala ng buntong-hininga.

Narinig ko siyang napabuntong-hininga tsaka napatayo ng diretso. "Pumayag siya sa tie-up agreement between Absolut and her company. Kakapirma lang niya kanina ng kontrata." Nagbaling ako ng tingin sa kanya ng marinig ang sinabi niya. "Just so you know." Muli niya akong tinapik at umalis na rin.

Muli akong naiwang mag-isa doon. Napapaisip.

Ang sabi kasi ni mama Hailey noong nagpunta siya sa opisina ni Catleya ay may tsansang hindi papayag si Cat sa tie-up. Pero sa ibinalita niya sa akin ngayon, gusto kong mapaisip. Ngunit agad ko ding naisip na para ito sa growth pa ng kanyang kompanya, wala ng ibang dahilan pa.

Nagpasya na akong matulog. Ngunit imbes na sa dating kuwarto ako tutuloy ay kumatok ako sa kuwarto nina mama. Binuksan ko agad ito ng marinig ang pahintulot ni mommy Stef mula sa loob.

"Pwede pa ba akong tumabi?" Naglalambing na tanong ko sa kanila.

Unti-unting napangiti si mommy. "Come here." Sabay lahad ng kanyang mga bisig.

Nakangiti ng sumampa ako sa kama at nahiga sa gitna nilang dalawa. Agad akong niyakap ni mommy at ginawaran ng halik sa ulo.

Tumatabi ako sa kanila sa tuwing nalulungkot ako o masama ang pakiramdam ko. Wala akong maitatago sa kanila dahil una sa lahat, sila ang tunay kong best friends. I have nothing to hide. Hindi ako kailangang magpanggap na okay sa harapan nila dahil kilalang-kilala nila ako.

Haist, I don't care kahit tawagin nila akong isip bata sa tuwing kasama ko ang mga magulang ko. Ako ang bunso kaya sa aming magkapatid, ako ang mas baby nila.

Kinabukasan, nagpunta ako kina Neri dahil birthday niya ngayon. Alam kong tiyak na pupunta rin si Catleya pero sinabi ko at ikinondisyon ko sa sarili ko na huwag na lang siyang pansinin. Besides, si Neri ang pakay ko hindi siya.

Saktong pagbaba ko ng big bike na sinakyan ko ay siya namang paglabas ni Neri sa kanilang bahay.

"Hi!" Nakangiting bati ko sa kanya.

Nakabihis siya ngayon ng simpleng dilaw na bestida na mas bumagay lalo sa kanya. Mukha nga siyang blooming ngayon.

"O, Harper ikaw pala!" Masigla niyang bati.

Montalban Cousins - HarperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon