Chapter 11 Hard to Get

12.3K 592 142
                                    

"If I'm not interested in a person, I'm straight-forward. Right after sex, I actually say 'I can't do this anymore. Thanks for coming over!'. Nothing more."


Harper POV


"What?!" Nabibiglang bulalas ko.

"E ma'am 'yon ho ang utos sa amin ni Miss Catleya." Paliwanag ng guwardiyang nagbabantay sa entrance ng kompanyang pag-aari ni Catleya. "Pasensya na ho, ginagawa ko lang po ang trabaho ko. Baka ako naman po ang mapagalitan kapag pinayagan ko po kayong pumasok sa loob."

Hindi makapaniwalang napameywang ang isang kamay ko sa harapan ng guard. "I can't believe this!" Napapailing na bulalas ko. "I really can't believe this!"

Akalain mo ba namang pagkatapos ng nangyari sa amin basta na lang akong iniwan ng wala man lang paalam? Paggising ko kinabukasan wala na siya. Ni ha ni ho wala man lang pasintabi. Tapos sinusubukan ko siyang tawagan sa phone pero as expected, hindi niya inaangat ang tawag. The following day, sinubukan ko ulit siyang tawagan pero out of coverage area na, minsan not in use pa nga e. Naisip ko baka nagpalit na siya ng cellphone number para lang maiwasan ako.

Kaya naman ngayon, free ako, napagdesisyonan kong puntahan siya dito sa kanyang opisina pero ayaw naman akong papasukin ng guard. Utos daw ni Cat.

"Damn it!" Mahina ngunit mariing mura ko. Marahas akong napabuntong-hininga. "Hindi niya sinasagot ang tawag ko, hindi siya nagre-reply sa mga text messages ko," Litanya ko sa harapan ng guard na nakatingin lang sa akin. "Tapos ngayon ayaw niya akong papasukin sa loob?"

Napangiwi ang guard. "Pasensya na ho talaga." Napapakamot ito sa batok.

"Now tell me, paano ko siya mapapasagot kung ayaw niya akong makita?" Pagpapatuloy ko.

Natawa ng bahagya 'yong guard sa sinabi ko pero ng makitang seryoso ako, napapahiyang napayuko siya.

"Can you just..." Nadidismayang bigkas ko habang iniaabot sa guard ang hawak na bulaklak. "... at least give this to her?"

"S-sige ho, ma'am." Kinuha niya ito at maingat na itinago.

"Salamat." Sinagot niya ako ng tipid na ngiti at bahagyang tango.

Bagsak ang mga balikat at napapabuntong-hininga na lang na tumalikod na ako. Napapasimangot na naglakad na ako papalayo sa entrance ng building. Napatingin tuloy sa gawi ko ang nakasalubong kong matandang lalake na may hawak na baston. Mukhang kababa lang nito sa magarang sasakyan. Parang pamilyar ang mukha niya pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin kung saan ko ba siya nakita.

Tuloy-tuloy na akong naglakad patungo sa nakaparada kong sasakyan at pumasok na sa loob. Pabagsak ko pa itong isinara. Napansin ko ang ginawang paglingon ng matandang lalaking nakasalubong ko kanina. Kunot-noo at halatang hindi nagustuhan ang ginawa ko base sa ekspresyon nito sa mukha. Muli, hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin dahil sa pagkadismaya sa nangyayari sa amin ni Catleya. Pumasok na rin naman ito agad sa loob ng gusali.

Inandar ko na ang sasakyan at pinasibad na kahit sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Mas lalo ng nadagdagan ang frustrations ko ngayong araw ng maipit ako sa traffic. Noon pumasok sa isip ko ang matandang lalaking nakasalubong ko kanina. Natitigilang napamura ako. Ang adoptive father pala iyon ni Catleya!

Mas lalo ng nadagdagan pa ang disappointments ko sabay napatampal sa manibela. Napapailing na lang ako sa sarili.

Imbes na umuwi na lang sa bahay, naisip kong puntahan na lang si ate Aryana sa Batangas. Ilang oras lang naman ang ibabiyahe ko kumpara sa pwede kong makuhang impormasyon mula sa kanya. Sino pa ba ang mas nakakakilala kay Cat kundi siya?

Montalban Cousins - HarperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon