"Everything happens for a reason. And that reason might include you - my beautiful disaster."
Catleya POV
"Hindi ito tama." Hayag ko habang nakaupo sa backseat ng police mobile car, may posas ang mga kamay, kinakabahan ngunit mas nananaig ang nararamdamang inis sa antipatikang pulis na nasa likod ngayon ng manibela.
Hindi siya sumagot, bagkus ay napapasipol-sipol pa ito habang abalang nagmamaneho ng may kabagalan. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng inis dito.
"I need to talk to my lawyer." Pigil ang inis na sabi ko.
Tinapunan lang niya ako ng tingin mula sa rearview mirror at nananatiling di ako kinakausap.
"You know what?" Naaantipatikahang bigkas ko. "Pag natapos 'to at nakaalis ako sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon, kakasuhan kita."
Napapalatak lang siya ngunit hindi pa rin ako kinakausap.
"Hoy!" Hindi ko na napigilan ang inis ko. "Kinakausap kita!" Sabay sipa sa likod ng kinauupuan niya.
Napakunot-noo siya sa ginawa ko. "Sandali lang miss ha?" Sa wakas ay kinausap na rin ako nito. "Ex-boyfriend mo ba ay pulis?"
Ako din ay napakunot-noo sa tanong niya. "No." Naguguluhang sagot ko.
"Kaaway mo ba ay isang pulis?" Muling tanong niya.
Mas lalo na akong napakunot-noo sa tanong niya. "Hindi!"
"'Yon naman pala e!" Palatak niya. "Bakit parang galit na galit ka sa pulis?"
"Hindi ako galit sa mga pulis -"
"E bakit mo ako sinisigawan?" Tanong niya.
"What -"
"Sabihin mong mali ako, na hindi ka sumisigaw diyan sa likod." Animo'y para siyang isang inosenteng bata na inaapi.
"Sumisigaw ako -"
"See?" She said a matter of fact.
"Sumisigaw ako pero hindi dahil galit ako sa mga pulis!" Depensa ko.
"Pinagbantaan mo din ako." Muli niyang hinaing.
Marahas akong napabuga ng hangin tsaka napailing-iling na napatingin sa labas ng bintana.
"O, huwag mong ikakaila!" Pagpapatuloy niya.
Hindi makapaniwalang sinalubong ko ang tingin niya mula sa rearview mirror.
"I can't believe this!" Napapailing-iling na bulalas ko.
Hindi na siya sumagot pa ngunit nahuli ko naman ang pagtaas ng gilid ng labi niya bago muling itinuon ang konsentrasyon sa pagmamaneho. Hindi na rin ako kumibo at piniling mag-concentrate na lang sa kung papaano ako makakaalis sa kasalukuyang kinalalagyan ko ngayon.
Natigil ako sa pag-iisip ng mapansing itinatabi niya ang sasakyan sa gilid ng daan, sa tapat ng isang sikat na donut house.
"Dito ka lang ha?" Sabi niya ng maihinto na niya ang sasakyan.
"Saan ka pupunta? Bakit tayo huminto dito?" Kunot-noo at puno ng pagtatakang tanong ko.
"Ibibili ko lang ng donut ang asawa ko." Tugon niya. "Paborito niya 'yan e. Mahirap ng hindi pagbigyan lalo na ngayon naglilihi siya."
Napaawang ang labi ko sa narinig. "Naglilihi?!" Gulat na bulalas ko. "Papaano?" Naguguluhan na talagang tanong ko.
Nawewerduhang napalingon siya sa akin. "Buntis, syempre!"
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins - Harper
RomanceAge doesn't matter, some people say. Pero para kay Catleya, age does matter. Lalo na't ang nangungulit sa kanya ay ang batang Montalban. Well, definitely she's not a baby anymore but not quite a woman either. Harper Montalban - young, wild and free...