Chapter 5 How?

12.3K 532 46
                                    

"Age does not protect you from love. But love, to some extent, protects you from age."


Catleya POV


"Hmm..." Napaungol ako sa sakit ng ulo na nararamdaman ko paggising.

Gusto ko mang idilat ang aking mga mata ay hirap na hirap akong gawin ito. Wala sa sariling napahawak ako sa ulo. Para kasing minamartilyo ito sa sobrang sakit. Huminga ako ng malalim habang mariin pang nakapikit ang aking mga mata para pakalmahin ang sarili, baka sakaling kumalma din sa pagpintig sa sakit ng aking ulo. Pilit ko ding inaalala kung ano ang nangyari kagabi ba't ako nagkakaganito ngayon.

Damn! Kasalanan 'to ni Aryana. Akala ko naman kung saan lang kami mag-a unwind, sa bar pala. And that bitch tricked me. Sa bar na pag-aari pala ng pinsan niyang si Harper ako dinala! Haist. Akala ko pa naman nagkaintindihan na kami na hindi ako interesado sa pinsan niya.

"Aray..." Mahinang daing ko. Pakiramdam ko tuloy ay mas lalong sumakit ang ulo ko sa magpinsang iyon.

Kahit nakapikit, pinilit ko ang sariling makabangon tsaka napasandal sa headborad ng kama. Hinilot ko ang aking sentido baka sakaling mabawasan ng konti ang sakit, ngunit mukhang wala pa rin itong epekto. No choice ako kung hindi magpakuha ng gamot na maiinom.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bedside table, pero iba ang nahawakan ko. Noon ko pinilit ang sarili at buong lakas na idinilat ko ang aking mga mata. Napatingin ako sa bagay na aking nahawakan.

Picture frame? Kailan pa ako nagkaroon nito dito sa aking kuwarto?

Dinampot ko ito para tignan. Nakapikit ang isang matang pilit inaninag ang larawan dito. Ngunit kusa ng bumukas ang isa ko pang mata ng tuluyan ng makita kung sino ang nasa larawan. Walang iba kundi ang pinakamakulit na nilalang sa mundo na si Harper!

Awtomatikong naigala ko ang aking mata hanggang sa mapadako ang tingin sa taong nakahiga kasama ko sa kama. Napaawang ang aking bibig sa sobrang gulat.

At kagaya ng mga natural na reaksyon ng isang tao kapag nakakakita sila ng 'multo', napasigaw ako ng malakas.

"Aaahhh!" At wala din sa sariling naipalo ko sa kanya ang hawak na picture frame.

"Aray!" Mabilis itong napabalikwas ng bangon.

"What did you do to me?!" Bungad kong tanong sa kanya ng makabangon siya sa kama habang nakahawak sa ulong nasaktan. "Bakit ako nandito?!"

Pupungas-pungas pang nakatingin siya sa akin habang nakangiwing nakahawak sa ulo. Buti na lang at mukhang hindi iyon nagdugo, kung hindi baka kung ano pa ang nangyari sa kanya. Well, kasalanan din naman niya.

"Hoy, sumagot ka!" I demanded.

"Ha?" Parang maging siya ay naguguluhan din sa mga nangyayari.

Hindi ko na napigilan ang bugso ng aking damdamin. Napahawak ako sa kanyang buhok. "Hayop ka, anong ginawa mo sa akin?!"

"Aray ko!" Daing na naman niya habang pilit na tinatanggal ang mga kamay kong nakasabunot sa kanya. "Catleya, ano ba?!"

"Sagutin mo ako!" Giit ko.

"Mukhang baliktad yata? Hindi ba ako ang dapat mong sagutin na dahil ako ang nanliligaw sayo?" Nagawa pa nitong mamilosopo.

"Hayop ka!" Naiinis pa ring sabi ko habang nakahawak pa rin sa kanyang buhok.

"Cat, stop." Nakahawak siya sa aking mga braso para pigilan ako.

"Answer me!" Galit na sabi ko.

Montalban Cousins - HarperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon