"Does the difference in our age count? You may be older, wiser, sharper than me but the basic element is love that I only see. You may find someone of your age or even older than you, but his/her love will not be as satisfactory as mine for you."
Harper POV
"Thank you for letting me be with you this day, Cat."
Nakangiting pinindot ko ang send button para maipadala ko ang text message ko kay Catleya. Kadarating ko lang mula sa pagsama sa kanya sa sementeryo. Well, technically, hindi ko siya sinamahan, sinundan ko siya doon.
At ngayon ko lang nalaman na ampon pala siya. Pero hindi naman ito nakabawas sa ganda points niya sa akin.
I like Catleya not just because she's beautiful and sexy, I like her because she's smart too and independent. Para sa akin kasi nakadagdag sa pagiging hot niya 'yong pagiging independent woman niya. Siya 'yong tipo ng babaeng parang napakatatag. At hinahangaan ko siya dahil doon.
Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng makilala ko siya. Ngunit hindi ko naman siya agad noon na niligawan. Hinayaan ko munang dumaan ang ilang araw, two days to be exact, bago ko siya sinimulang ligawan.
Noong una, nagpapadala lang ako ng flowers sa kanya. Nakiki-update tungkol sa kanya sa pamamagitan ni Ate Aryana, ang matalik niyang kaibigan. Sa pinsan ko din nalaman na wala siyang boyfriend ngayon. At kay Ate Aryana ko din nalaman na malabong magkagusto siya sa babae. Pero sinusubukan ko pa rin. Who knows, di ba? Baka pag pinilit, pumayag.
Anyways, ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin siyang reply sa text message ko. Hindi naman sa ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi siya nagreply, dahil kung tutuusin ay palagi naman siyang di nagrereply sa akin, pero ito na 'yong pinakamahabang panahon na nagkasama kami.
Naiinip na dinampot ko ang cellphone kong nasa frontseat ng sasakyan. Wala pa rin talaga siyang reply. Idinial ko ang no. niya, gusto kong naririnig ang boses niya. Kasing lambot ng kutis niya. Haist, Catleya, ano bang ginagawa mo sa akin?
Napakunot-noo ako ng dalawang beses pa lang itong nagri-ring ay nag-busy tone na agad. Napapaisip na napatitig ako sa cellphone ko.
"Magreply ka naman diyan kahit simpleng 'okay' lang o kahit blank message, papatusin ko na." Saka nilagyan ng laughing emoticons sa dulo.
Inandar ko na ang sasakyan pagkatapos at nagpasya ng magtungo sa bar. Biyernes ngayon kaya tiyak na maraming customers ang pupunta doon.
Pagkaparada ko ng sasakyan sa parking lot ay agad na akong umibis ng kotse at pumasok sa loob ng bar. Agad akong binati ng mga empleyadong nadatnan kong naglilinis at naghahanda para sa pagbubukas ng establishimento.
"You got me." Na sinundan pa ng tawa.
Napakunot-noo ako ng magbaling ng tingin sa may bar counter. As usual, nandoon na naman si Ryleigh at nakikipag-flirt sa bartender habang nagpupunas ito ng baso. Napapailing-iling na lumapit ako sa kanila.
"Hey, bro!" Agad niyang bati ng mamataan akong papalapit sa kinauupuan niya.
Tumango ako ng bahagya. "Hey, bro-ha!" Sabay pabirong sinuntok siya sa braso. "Pwede bang huwag mong inaabala ang bartender ko?" Sabay binati ng tango at bahagyang ngiti si Lili, ang bartender.
"Correction!" Depensa niya. "Hindi ko inaabala si Lili, I'm making her time worth while." Sabay napakindat sa dalaga na ikinangiti nito at parang nagba-blush pang napayuko.
Mukhang malapit na naman akong mawalan ng bartender dahil dito kay Ryle.
"Lili, I'm warning you," Hindi naman talaga ito babala kundi isang payo lang. "Babaero 'tong pinsan ko. You don't know her that much."
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins - Harper
RomanceAge doesn't matter, some people say. Pero para kay Catleya, age does matter. Lalo na't ang nangungulit sa kanya ay ang batang Montalban. Well, definitely she's not a baby anymore but not quite a woman either. Harper Montalban - young, wild and free...